^

Metro

Mga buntis ‘ban’ muna sa PGH

-

Pansamantalang itinigil ng pamunuan ng Philippine Gene­ral Hospital (PGH) ang pagtanggap ng mga manganganak dahil hindi na umano nila kayang i-accommodate sa pagamutan.

Kaugnay nito, pinayuhan ni PGH spokesman Dr. Michael Tee ang mga buntis na manganak na lamang sa ibang pagamutan. Paliwanag ng doktor,  biglaang lumobo ang bilang ng mga bagong panganak na sanggol sa kanilang pagamutan.

Magtungo man umano ang mga pasyente sa PGH ay ire-refer lamang sila sa ibang pagamutan kaya’t mas makabubuti  na  idiretso na ang mga ito sa ibang ospital.

Nabatid na umaabot lamang sa 45 sanggol ang kayang i-accommodate ng nursery ng PGH ngunit ngayon ay 90 sanggol na umano ang naroroon.

Hindi naman binanggit ni Tee kung kailan sila magsi­simulang tumanggap muli ng mga buntis na pasyente.

Gayunman, sinabi ng doktor na nakipag-ugnayan na sila sa ibang mga pagamutan at mga government institutions upang mailipat doon ang ilang mga sanggol na nasa kanilang pangangalaga para mabigyan ng mas sapat na atensyon ang mga ito.

Samantala, nagpahayag rin ng pangamba si Tee na ma­apektuhan ng dinaranas na “dry spell” o tagtuyot ng bansa ang operasyon ng PGH na posibleng mauwi sa krisis sa tubig at enerhiya. (Doris Franche)

vuukle comment

DORIS FRANCHE

DR. MICHAEL TEE

GAYUNMAN

KAUGNAY

MAGTUNGO

PHILIPPINE GENE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with