^

Metro

Vice lords still rule Pampanga politics? - POSTSCRIPT By Federico D. Pascual Jr.

-

Tumindi ang tensyon sa isinasagawang canvassing sa Valen­zuela City matapos na magsagawa ng barikada ang mga supporters ni mayoralty candidate Bobbit Carlos sa city hall dahil sa ulat na magkakaroon ng ballot switching. Dakong ala-1 ng madaling-araw nang dumagsa ang daan-daang mga supporters sa Valenzuela City Hall at nagprotesta ukol sa umano’y dayaan sa boto. Dahil dito, pansamantala munang ini­­hinto ang canvassing ng mga boto sa lungsod ng Board of Canvassers buhat sa Commis­sion on Elections (Comelec) dahil sa naturang kaguluhan. Wala namang inabutan ang pinuno ng mga nagpo-protesta at mga kinatawan ng Board of Canvassers sa loob ng city hall na umano’y may ginagawang pagpapalit ng balota dahil sa malinis ang kuwarto na kanilang tinutukoy. Natigil lamang ang protesta ng mga tao nang kausapin ito ni Valenzuela deputy chief, Supt. Nestor Dioso at tiniyak na ginagawa nilang lahat ang pagbabantay upang matiyak na malinis ang halalan at wala silang kinakampihan. (Danilo Garcia)

vuukle comment

BOARD OF CANVASSERS

BOBBIT CARLOS

COMELEC

DAHIL

DAKONG

DANILO GARCIA

NATIGIL

NESTOR DIOSO

VALENZUELA CITY HALL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with