^

Metro

Kaso vs Boratong posibleng mabasura

-
Naghain ng not guilty plea kahapon ang operator ng shabu tiangge na si Aamin Imam Boratong at asawang si Sheryl sa arraignment ng kaso ng shabu tiangge na dininig sa sala ni Judge Abraham Borreta ng Pasig Regional Trial Court Branch 154.

Subalit nagbabala si Judge Borreta na posibleng mabasura ang kaso laban sa mga akusado dahil sa madalas na pagliban ng mga prosecutors na pinangungunahan ni Conrado Tolentino, state Prosecutors ng Pasig RTC.

Pinaliwanag ng Judge na siyam na beses ng absent ang prosecutors sa nasabing kaso dahil umano sa iba’t ibang rason dahilan upang hindi umusad ang kaso.

Sa parte naman ni Tolentino, sinabi nitong ang kanilang pagliban ay "Excusable", at mayroon umano silang tanggap na rason sa hindi pagdalo sa kaso.

Samantala, sinubok namang ipagpaliban ang arraignment ng kaso matapos na maghain ng motion to defer ang kampo ng dalawang akusado subalit hindi ito pinayagan ng korte at ipinagpatuloy pa rin ang scheduled arraignment.

Si Boratong ay nirerepresenta ni Atty. Raymund Fortun, habang si Sheryl ay nirepresenta ni Atty. Edwin Dela Cruz.

Samantala, naghain naman ng motion ang mga abogado ng akusado na kung maari ay huwag ng ilipat sa Pasig City Jail ang mag-asawa at doon na lang sila ikulong sa National Bureau of Investigation (NBI). (Edwin Balasa)

vuukle comment

AAMIN IMAM BORATONG

CONRADO TOLENTINO

EDWIN BALASA

EDWIN DELA CRUZ

JUDGE ABRAHAM BORRETA

JUDGE BORRETA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PASIG CITY JAIL

PASIG REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

RAYMUND FORTUN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with