^

Metro

Sekyu tinodas ng kapwa sekyu

-
Nasawi ang isang security guard matapos na barilin ng kasamahan nito sa trabaho nang magtalo ukol sa tiket ng mga pumapasok at lumalabas na cargo truck sa Port Area, Manila kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang nasawi na si Edgard Labiyo, alyas Rich, 49, may-asawa, security guard, ng Bataan Shipyard and Engineering Company (BASECO), at residente ng Baseco Compound Shipyard, Bagong Lupa, Port Area, Manila.

Pinaghahanap naman ang tumakas na suspect na nakilala lamang sa kanyang name tag na "R.A. Mayorca", nasa pagitan ng edad 25-28 anyos at security guard naman ng Millanes Group of Security (MILGOS).

Sa ulat ng MPD-Homicide Section, naganap ang pamamaril dakong alas-8:15 ng gabi malapit sa guard house ng Baseco Integrated Cargo Terminal sa Baseco compound.

Nabatid sa imbestigasyon na kinompronta ng suspect si Labiyo sa umano’y pakikialam nito sa kanyang trabaho sa pag-aabot ng gate pass o tiket sa mga pumapasok at lumalabas na cargo truck sa Baseco compound sa kabila na isang linggo pa lang ito sa kanyang trabaho.

Nakita ng mga saksi na nagtatalo ang dalawa hanggang sa barilin ni Mayorca ang biktima sa dibdib gamit ang shotgun sanhi ng agad na kamatayan ni Labiyo. Mabilis na tumakas ang suspect dala ang armas na ginamit sa krimen. (Danilo Garcia)

vuukle comment

BAGONG LUPA

BASECO

BASECO COMPOUND SHIPYARD

BASECO INTEGRATED CARGO TERMINAL

BATAAN SHIPYARD AND ENGINEERING COMPANY

DANILO GARCIA

EDGARD LABIYO

HOMICIDE SECTION

LABIYO

PORT AREA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with