^

Metro

Killers ng mediamen binalaan ni Calderon

-
Binalaan ni PNP chief director Gen. Oscar Calderon ang mga killers ng mediamen sa bansa na hindi makakaligtas sa batas kaugnay na rin ng pursigidong misyon ng PNP para lutasin sa loob ng 10 linggo ang media at activist killings.

Ito’y matapos na iharap kahapon ang hitman ng Tanod photographer na si Prudencio "Dick" Melendrez na pinagbabaril at napatay sa Malabon City. Nakilala ang suspek na si Roberto Lopez.

Sinabi pa ni Calderon na positibo siyang susunod ng madarakip ang iba pang killer ni Melendrtez bunga na rin ng pakikipagtulungan ng mga testigo sa mga awtoridad.

Ang iprinisintang suspect ayon kay Calderon ay positibo namang kinilala ng mga testigo sa krimen.

Kinumpirma naman ni NPDO director Chief Supt. Leopoldo Bataoil na hindi konektado sa trabaho ang pagpatay kay Melendrez .

Sinabi pa ni Calderon na puspusan ang pagtatrabaho ng pulisya para mabigyang solusyon ang pamamaslang laban sa mediamen at militanteng grupo alinsunod sa mahigpit na direktiba ni Pangulong Arroyo. (Joy Cantos)

vuukle comment

BINALAAN

CHIEF SUPT

JOY CANTOS

LEOPOLDO BATAOIL

MALABON CITY

MELENDREZ

OSCAR CALDERON

PANGULONG ARROYO

ROBERTO LOPEZ

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with