^

Metro

Mandaluyong fire: Ginang patay

-
Namatay ang isang may kapansanan na ginang, habang sugatan naman ang isang bumbero makaraang matupok ng apoy ang buong apat na palapag ng isang condominium sa Mandaluyong City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawing biktima na si Adelina Francisco, nakatira sa Room 406 Kasambahay Condominium na matatagpuan sa kanto ng Makaturing at Sacripante Sts., Brgy. Barangka Itaas ng lungsod na ito, habang sugatan naman si SFO3 Ramon Enguerra, ng Mandaluyong Bureau of Fire and Protection.

Nagsimula ang sunog dakong alas-9 ng gabi nang magputukan ang kuryente sa loob ng katabing unit ng nasawing biktima. Agad na kumalat ang apoy.

Nataranta na ang mga residente at nagsipagtakbuhang bumaba, gayunman hindi na nakalabas ng kanyang unit ang ginang dahil sa may sakit at matagal ng nakaratay sa higaan.

Umabot sa Task Force Bravo ang alarma ng sunog na naapula lamang dakong ala-1:12 ng madaling araw. (Ulat ni Edwin Balasa)

vuukle comment

ADELINA FRANCISCO

BARANGKA ITAAS

BRGY

EDWIN BALASA

KASAMBAHAY CONDOMINIUM

MANDALUYONG BUREAU OF FIRE AND PROTECTION

MANDALUYONG CITY

RAMON ENGUERRA

SACRIPANTE STS

TASK FORCE BRAVO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with