^

Metro

2 biktima ng salvage natagpuan

-
Dalawang lalaki na pinaniniwalaang biktima ng salvage ang natagpuan sa isang bakante at madamong lote sa Muntinlupa, kamakalawa.

Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan sa mga biktima na kapwa naagnas na at nakagapos ang mga kamay at paa.

Ang unang biktima ay nakasuot ng puting t-shirt, light blue na shorts, 5’7 talampakan ang taas, habang ang isa pa ay nakasuot ng kulay yellow na t-shirt, asul na short pants, 5’6 talampakan ang taas at kapwa tinatayang nasa gulang na 40-anyos.

Sa ulat ng pulisya natagpuan ang mga biktima dakong alas-3 ng hapon sa may Victoria Road, Victoria Subdivision, Brgy. Tunasan, Muntinlupa City.

Halos bumaligtad ang sikmura ni Ariel del Rosario, 14, nang malanghap ang mabahong amoy at ng kanyang tuntunin ang pinanggagalingan ay doon nito nakita ang dalawang naaagnas na bangkay ng mga biktima.

Inaalam pa ng pulisya kung pinagbabaril ba o pinagsasaksak ang dalawang lalaking pinaniniwalaang biktima ng salvage. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BIKTIMA

BRGY

DALAWANG

INAALAM

LORDETH BONILLA

MUNTINLUPA

MUNTINLUPA CITY

TUNASAN

VICTORIA ROAD

VICTORIA SUBDIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with