^

Metro

'Pajero Lady' pupuslit palabas ng bansa

-
Makaraan umanong "patakasin" ng kanyang mga bantay, unti-unti na umanong ibinebenta ni Josephine Garcia o Marilou de Guzman na tinaguriang ‘Pajero Lady’ ang kanyang mga ari-arian upang makalabas ng bansa at matakasan ang kanyang patung-patong na kaso.

Ito naman ang impormasyon na natanggap ni Central Police District-Criminal Investigation Unit chief, Supt. Popoy Lipana kasabay ng babala sa Bureau of Immigration (BI) hinggil sa planong pagtakas nito.

Ayon naman sa Correctional Institute for Women, nagpadala na rin sila ng request sa BI upang pigilan ang posibleng pag-alis ng bansa ni ‘ Pajero Lady’.

Sinabi ni Lipana na muli na namang pinagagana ni ‘Pajero Lady’ ang kanyang mga ‘resources’ upang muling makatakas kabilang na ang pagbebenta ng kanyang tatlong condominium, isang bahay sa Antipolo at 17 kotse na ilan dito ay Pajero at Jaguar na nakarehistro sa pangalang Josephine Garcia at sa asawa nitong si Carlos de Guzman.

Ipinaliwanag pa ni Lipana na ginagamit na ni ‘Pajero Lady’ ang pangalang Josephine Garcia matapos na palabasin nito na ang Marilou de Guzman ay namatay nang masunog ang kotse nito sa isang lugar sa Norzagaray sa Bulacan.

Magugunitang sa loob ng isang pagamutan kung saan inoperahan ito sa matris nakatakas umano si ‘Pajero Lady’ sa kabila na dala-dalawa ang security nito. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

BUREAU OF IMMIGRATION

CENTRAL POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

CORRECTIONAL INSTITUTE

DORIS FRANCHE

GUZMAN

JOSEPHINE GARCIA

LIPANA

MARILOU

PAJERO LADY

POPOY LIPANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with