^

Metro

P5-M halaga ng ari-arian natupok sa QC

-
Tinatayang aabot sa P5 milyong halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy sa isang sunog na naganap sa residential area sa Project 4, Quezon City kung saan mahigit sa 200 pamilya ang nawalan ng tahanan.

Napag-alaman kay Capt. Samuel Tadeo, hepe ng Arson Division ng QC Fire Dept. na ang insidente ay naganap dakong alas-8:31 ng gabi sa ilang kabahayan sa No. 237 J.P. Rizal St., Project 4, Quezon City.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Celestino Nabong sa ikalawang palapag ng bahay nito.

Hinihinalang nagkaroon ng short circuit sa kuryente sa may kisame ng bahay na mabilis na kumalat sa karatig kabahayan.

Umabot ang sunog sa Task Force Echo at mahigit sa 200 pamilya ang naapektuhan. Wala namang iniulat na nasawi o nasugatan sa insidente. (Ulat ni Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE

ARSON DIVISION

CAPT

CELESTINO NABONG

CRUZ

FIRE DEPT

QUEZON CITY

RIZAL ST.

SAMUEL TADEO

TASK FORCE ECHO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with