^

Metro

Milyong halaga ng kemikal sa paggawa ng shabu,nasamsam

-
Tinatayang aabot sa milyun-milyong halaga ng mga kemikal na gamit sa pagmamanupaktura ng shabu ang nasabat ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa loob ng isang container van sa isinagawang operasyon sa Pier 12 sa Port Area, Manila.

Ayon kay PDEA Executive Director Gen. Anselmo Avenido Jr. dakong alas-12 ng tanghali nang masabat ang isang fan-footer container van patungong Cebu na naglalaman ng 144 drums ng nasabing mga ilegal na kemikal.

Bago ang operasyon, ayon kay Avenido ay nakatanggap ng tawag sa telepono ang PDEA hinggil sa umano’y mabahong amoy at usok na nagmumula sa loob ng container van.

Mabilis namang nagresponde ang mga tauhan ng PDEA kung saan nasamsam ang drum-drum na mga kemikal habang inilululan sa Gothong van patungong Cebu.

Nabatid na ang idineklarang laman ng container van ay mga plastic plates na nagkakahalaga ng P150,000 na naka-consign sa isang Allan Garcia na isang negosyante sa Cebu City.

Gayunman ng kanila itong inspeksiyunin ay nadiskubreng mga sulfuric acid, ether at acetone na nakalagay sa 144 drums na ginagamit sa paggawa ng shabu.

Inimbitahan naman para kuwestiyunin sina Marlon dela Cruz at Antonio Molino.

Posible umano na nakatakdang ideliber ang mga kemikal sa shabu laboratory na pinatatakbo ng sindikato ng droga sa bansa. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ALLAN GARCIA

ANSELMO AVENIDO JR.

ANTONIO MOLINO

CEBU

CEBU CITY

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

EXECUTIVE DIRECTOR GEN

JOY CANTOS

PORT AREA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with