^

Metro

Napulot na clutch bag, P1.3-M shabu ang laman

-
Walang kahirap-hirap na napasakamay ng mga awtoridad ang may 673.67 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit isang milyong piso matapos malaglag sa isang humahagibis na sasakyan at isuko ng isang concerned citizen sa boundary ng Sta. Ana, Maynila at Makati City, kamakalawa.

Sa ipinalabas na ulat kahapon ng tanggapan ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director Gen. Anselmo Avenido Jr., ang naturang epektos ay isinuko ng nakapulot na si Dennis Dimaculangan sa opisina ni Southern Police District Director P/Chief Supt. Prospero C. Noble Jr.

Ayon sa imbestigasyon, bandang alas-9 ng gabi, kamakalawa habang sina Dimaculangan at kasama nitong si Jocelyn del Rosario ay nakatayo sa labas ng kanilang bahay sa P. Gil St., Sta. Ana, Manila, nang makita nila ang pagtilapon ng isang itim na clutch bag mula sa humahagibis na behikulo.

Pinulot naman ito ng dalawa at naghintay sa posibleng pagbabalik ng naturang behikulo na inaasahan ng mga itong hahanapin ang nalaglag na kagamitan.

Nang hindi na bumalik ang lulan ng behikulo ay saka nila ito binuksan at dito ay natagpuan ang isang kahoy na kahon ng mahjong set kung saan nasa loob nito ang dalawang transparent plastic sachets na puno ng puting crystalline substance.

Agad namang nakipag-ugnayan si Dimaculangan sa tiyuhin nitong si SPO1 Leopoldo San Mateo ng Makati City Police Station para ipaalam ang kanilang natagpuan.

Agad namang pinuntahan ng SPD Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force sa tulong ni Mateo ang bahay ni Dimaculangan para sa narekober na droga bago ito isinumite sa SPD Crime Laboratory Office kung saan positibong tinukoy na ang naturang pulbos ay ang ipinagbabawal na shabu.

Kaugnay nito, pinapurihan naman ni Avenido ang kagandahang-loob ng nasabing sibilyan na isang malaking tulong sa anti-drug campaign ng pamahalaan. (Ulat nina Joy Cantos at Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ANSELMO AVENIDO JR.

CHIEF SUPT

CRIME LABORATORY OFFICE

DENNIS DIMACULANGAN

DIMACULANGAN

DIRECTOR GEN

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUGS SPECIAL OPERATIONS TASK FORCE

GIL ST.

JOY CANTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with