Bahagi ng pinutol na ari,ikinabit pa rin

Sinikap pa rin ng mga manggagamot na idugtong ang naputol na bahagi ng ari ng isang tubero na iniulat na pinutulan ng kanyang sariling misis kamakalawa dahil sa matinding selos, gayunman patuloy pa rin itong oobserbahan ng ilang araw para mabatid ang tagumpay ng operasyon.

Ayon sa mga manggagamot sa Pasay City General Hospital na oobserbahan pa ang idinugtong na ari at kung ito ay mangingitim ay muli itong tatanggalin o puputulin.

Samantala hanggang ngayon ay wala pang linaw kung kakasuhan ang misis na si Marilou Llanerisas makaraang putulin nito ang ari ng mister na si Antonio, 30.

Magugunitang kamakalawa ng umaga naganap ang pamumutol sa ari habang ang biktima ay mahimbing na natutulog. Nag-ugat ito sa mga nabasang text messages ni Marilou sa cellphone ng mister galing sa ibang babae.

Nagdilim umano ang paningin ng misis sa mga nabasang text messages kung kaya’t mabilis itong kumuha ng patalim at pinutulan ang mister. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

Show comments