^

Metro

Lalaki nag-alay na ng kanta, pinatay pa

-
Hindi akalain ng isang lalaki na ang kanyang pag-aalay ng awitin sa isang matadero ang siyang magiging sanhi ng kanyang kamatayan, kahapon sa Tondo, Maynila.

Namatay habang ginagamot sa Mary Johnson Hospital sanhi ng mga saksak sa dibdib ang biktimang si Christopher Montallana, 28, ng 6th Ave. Caloocan City.

Base sa ulat, dakong alas-8:15 ng umaga ng pumasok ang biktima at kaibigan nitong si Roberto Ibanez sa loob ng Lita’s Videoke Kitchenette sa 580 Padre Rada St. ng naturang lugar.

Kaagad umanong umupo ang biktima sa lamesa malapit sa kinauupuan ng mga suspek na nakilala lamang sa pangalang Rico, Aba at Jack at saka umorder ng beer hanggang sa maubos ito.

Matapos na maubos ang kanilang iniinom ay nagsimulang kumanta ang biktima at saka inialay ito sa mga suspek na ikinagalit naman ng tatlo at nilapitan si Montallana.

Natakot umano si Ibanez ng lapitan sila ng mga suspek kung kayat mabilis itong tumakbo papalabas at hinabol naman ito nina Rico at Aba.

Subalit kaagad namang naglabas ng butcher knife si Jack at pinagsasaksak ang biktima na naging sanhi ng kamatayan nito at saka mabilis na tumakas matapos ang krimen. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

CALOOCAN CITY

CHRISTOPHER MONTALLANA

GEMMA AMARGO

IBANEZ

KAAGAD

MARY JOHNSON HOSPITAL

PADRE RADA ST.

RICO

ROBERTO IBANEZ

VIDEOKE KITCHENETTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with