^

Metro

Promdi,inutas habang nagsasagawa ng "tawag ng kalikasan"

-
Isang 23-anyos na promdi ang pinagtripang saksakin ng apat na hindi pa nakikilalang suspect na pinaniniwalaang mga drug addict habang umeebak sa loob ng sementeryo kahapon ng madaling-araw sa Navotas.

Agad na namatay ang biktima na nakilalang si Ricard Verdaje, truck helper ng Blk. 6, Bagong Silang, Brgy. San Jose sanhi ng maraming tama ng saksak sa katawan.

Isa naman sa apat na suspect ang nadakip at ito ay nakilalang si Alvin Lumontad, 19, habang pinaghahanap pa ang tatlo nitong kasamahan. Tinangka pa nitong tumakas.

Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya na naganap ang insidente dakong alas-5 ng madaling-araw sa loob ng Municipal Catholic Cemetery sa naturan ding munisipalidad.

Nakaramdan ang biktima ng paghilab ng tiyan kung kaya’t minabuti nitong ilabas ang nararamdamang "tawag ng kalikasan."

Paparating naman noon ang mga suspect na lango sa alak at droga at napagtuunan ng pansin ang biktima.

Nilapitan ng mga suspect ang biktima habang hawak-hawak ang dalawang patalim at pinagtulungang hawakan ito. Walang sabi-sabing inundayan ng saksak ng mga suspect ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nabatid na ang mga suspect ay nasa ilalim ng impluwensiya ng ipinagbabawal na gamot matapos na masakote si Lumontad ng mga barangay tanod na noo’y nagpapatrolya. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

ALVIN LUMONTAD

BAGONG SILANG

BRGY

ISA

ISANG

LUMILITAW

MUNICIPAL CATHOLIC CEMETERY

RICARD VERDAJE

ROSE TAMAYO

SAN JOSE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with