^

Metro

Obrero inatado ng mga kaibigan

-
Labindalawang saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang tinamo ng isang obrero matapos na saksakin ng kanyang dalawang kaibigan sa Quezon City.

Dead-on-the spot ang biktima na nakilalang si Danilo Sy, deepwell driller, at naninirahan sa Happyland Compound, Brgy. Commonwealth, Q.C., matapos na magtamo ng malalalim na saksak sa katawan.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang mga suspect na nakilalang sina Nilo Luna at Noel Elpon, sinasabing mga kaibigan at kapitbahay ng biktima.

Lumilitaw sa imbestigasyon ni PO3 Jun Mortel ng Central Police District-Criminal Investigation Unit (CPD-CIU), naganap ang insidente dakong alas-9 ng gabi sa loob mismo ng naturang compound.

Naglalakad si Sy nang bigla itong sugurin ng saksak ng mga suspect hanggang sa humandusay.

Nabatid na dating magkakaibigan ang biktima at mga suspect hanggang sa mainggit ang huli sa una na siyang naging ugat ng kanilang alitan.

May hinala rin ang pulisya na nagkainggitan sa trabaho ang biktima at mga suspect dahil ang mga ito’y walang permanenteng trabaho.

Kasalukuyan pa ring nagsasagawa ng follow-up operation ang pulisya upang agad na madakip ang mga tumakas na suspect. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

BRGY

CENTRAL POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

DANILO SY

DORIS FRANCHE

HAPPYLAND COMPOUND

JUN MORTEL

NILO LUNA

NOEL ELPON

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with