7-anyos hinalay ng tiyuhin na pipi't bingi

Nahaharap sa kasong statutory rape ang isang lalaking pipi’t bingi matapos gahasain ang 7-anyos na pamangkin na inihabilin lamang sa kanya ng magulang para bantayan sa Pasig City.

Batay sa resulta ng medico legal, positibong ginahasa ang biktima na itinago sa pangalang Aiza, grade 1 pupil sa Pasig Elementary School at residente ng Daang Bakal, Brgy. Kalawaan.

Nakakulong sa kasalukuyan ang suspek na si Manny Rivera, alyas Benny, 20, isang deaf-mute, tiyuhin at kapitbahay ng biktima.

Sa report ni PO1 Claren Nipales, naganap ang panghahalay dakong alas-8 ng gabi habang wala ang mga magulang ng bata.

Sa salaysay ni Aiza,dinala siya sa kuwarto ng suspek na akalaing patutulugin siya nito.

Subalit nanlaban ang biktima nang sinimulan siyang hubaran hanggang sa maglabas ng patalim ang suspek at itinutok sa kanyang leeg.

Nagmamakaawa na umiiyak umano ang biktima sa suspek, subalit inilugso pa rin nito ang kanyang puri. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments