^

Metro

Anak nabagsakan ng silya sa Jollibee nireklamo ng amang pulis

-
Isang opisyal ng pulisya ang nagharap ng reklamo laban sa Jollibee matapos mabagsakan ang kanyang tatlong taong gulang na anak ng silya habang kumakain sa nasabing food chain sa Makati City, kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si Hammiel Geozon,3, ng BF Resort, Las Piñas City.

Samantala, nagreklamo sa Makati City Police si PNP chief Inspector Hammurabi Geozon, 36, nakatalaga sa Directorate for Intelligence, Camp Crame.

Ayon kay PO2 John Ramirez, ng Makati Police Homicide Section, naganap ang insidente ng dakong alas-10:35 kamakalawa ng gabi sa loob ng Jollibee, Park Square 1, sa Ayala Commercial Center .

Sa report ng pulisya, kumakain ang biktima sa loob ng Jollibee habang naglilinis umano ang ilang crew ng nasabing restaurant ng biglang bumagsak ang patong-patong na silya at tinamaan ang una.

Gayunman, dahil sa sakit na naramdaman ng biktima ay mabilis itong isinugod ng kanyang ama sa ospital para malapatan ng kaukulang lunas. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AYALA COMMERCIAL CENTER

CAMP CRAME

HAMMIEL GEOZON

INSPECTOR HAMMURABI GEOZON

JOHN RAMIREZ

JOLLIBEE

LAS PI

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with