^

Metro

Isdang huli sa dinamita nasamsam

-
Nasamsam kamakalawa ng gabi ng Navotas Maritime Police ang may 36 kahon na naglalaman ng 1,500 kilo ng iba’t ibang uri ng isda na hinuli sa pamamagitan ng dinamita.

Sa panayam kay Agripito Cantiaga, hepe ng Fishery Law Enforcement Region 10 ng National Capital Region (NCR), ang pagkakasamsam sa 36 kahon ng mga isda ay bunga ng masigasig na kampanya ng pamahalaang Arroyo sa pagsugpo sa talamak na illegal fishing.

Isang impormasyon umano ang nakarating sa kanyang tanggapan tungkol sa isang lantsa na dumadaong sa Pier 2 ng North Harbor na umano’y kinakargahan ng iba’t ibang kontrabando at isdang huli sa pamamagitan ng dinamita.

Agaran namang nagsagawa ng entrapment operation ang tanggapan ni Cantiaga at nasamsam ang nasabing isda. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

AGARAN

AGRIPITO CANTIAGA

CANTIAGA

FISHERY LAW ENFORCEMENT REGION

ISANG

NASAMSAM

NATIONAL CAPITAL REGION

NAVOTAS MARITIME POLICE

NORTH HARBOR

ROSE TAMAYO

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with