^

Metro

Drug addict nagbigti matapos makipagtalo sa bayaw na pusher

-
Isang 27-anyos na umano’y drug addict ang natagpuang patay matapos na magpatiwakal sa pamamagitan ng pagbibigti matapos na makipagtalo sa bayaw na isang umano’y drug pusher sa Sampaloc, Maynila kahapon ng umaga.

Hinihinalang nagpakamatay dahil sa sama ng loob ang biktima na kinilalang si San Pascual alyas Sani binata, residente ng 1548-C G. Tuazon St., Sampaloc.

Sa ulat ni Det. Athos de Quiros, may hawak ng kaso ng Western Police District-Homicide Section, bandang alas-10 ng umaga nang matagpuan ng kanyang ina ang nakabiting biktima gamit ang isang nylong cord mula sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.

Nauna rito, nakitang nakikipagtalo sa hindi pa malamang dahilan ang biktima sa kanyang bayaw na si Willy Villar, kilalang tulak sa kanilang lugar.

Matapos umano ito ay agad na nagtungo ang biktima sa kanyang kuwarto at hindi na lumabas.

Nang tawagin ng ina ang biktima upang kumain ay hindi sumagot ang huli na labis na ipinagtaka nito, kaya’t pinuntahan sa kuwarto ang anak at tumambad dito ang nakabigting katawan. (Ulat ni Ellen Fernando)

vuukle comment

ATHOS

C G

ELLEN FERNANDO

HINIHINALANG

ISANG

MATAPOS

SAN PASCUAL

TUAZON ST.

WESTERN POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

WILLY VILLAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with