^

Metro

Nakaw na motor binenta online, binata tiklo

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado ang isang binata matapos na magbenta sa online ng nakaw umanong motorsiklo kamakalawa ng gabi sa Taguig City.

Kinilala lang ni Pasig City Police chief, PCol. Celerino Sacro Jr. ang suspek sa alyas na “Niño”, 26, at residente ng Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City.

Batay sa ulat, dakong alas-8:45 ng hapon nang maaresto ang suspek sa tapat ng isang gasolinahan sa Manuel L. Quezon St., sa Brgy. Hagonoy, Taguig City.

Nauna rito, nakarnap umano ang isang kulay black/orange na Honda Click, na may plate number na 313XAH, na pag-aari ng gurong si alyas “Kenedy”, 40, habang nakaparada ito sa tapat ng Pasig City General Hospital, sa Eusebio ­Avenue, Brgy. Maybunga, Pasig City dakong ala-1:00 ng madaling araw noong Mayo 12.

Dakong alas-5:00 ng hapon kamakalawa nang magtungo ang biktima sa tanggapan ng Anti-Carnapping Unit ng Pasig CPS at isinumbong na inimpormahan siya ng kanyang dating estud­yante hinggil sa kanyang motorsiklo, na nakita umano nitong naka-post sa social media para sa online selling.

Kaagad na nagkasa ng entrapment operation ang mga pulis at nang makumpirma na motorsiklo nga ng biktima ang ipinagbibili ng suspek ay kaagad nang inaresto.

Nakapiit na ang suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 10883 o The New Anti-Carnapping Law of 2016 sa piskalya.

vuukle comment

TAGUIG CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with