^

Metro

2 pulis nagbarilan sa makumpiskang video karera

-
Dahilan sa pagtatalo tungkol sa nakumpiskang video karera machine, isang pulis ang nanganganib na maputulan ng paa matapos itong makipagbarilan sa kapwa pulis, kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.

Kasalukuyang nakaratay sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng isang tama ng bala sa kaliwang paa si PO2 Pepito San Pedro, 29, nakatalaga sa Narcotic Group ng Camp Crame sa Quezon City at residente ng 345 Binangonan, Maypajo, Caloocan.

Agad namang sumuko sa mga awtoridad si PO3 Jesus Garcia, 35, nakatalaga sa Regional Mobile Force ng Camp Bagong Diwa, Taguig at naninirahan din sa nabanggit na lungsod.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-12:15 ng tanghali sa kahabaan ng E. Castillo St., Maypajo.

Napag-alaman na matagal ng may kinikimkim na galit si PO2 San Pedro kay PO3 Garcia dahil ipinahuli ng huli ang video karera machine na pag-aari ng una.

Nabatid na habang hawak ni San Pedro ang kanyang M16 armalite rifle ay kinompronta nito si Garcia na naging dahilan ng kanilang mainitang pagtatalo hanggang sa paulanan ng bala ng una ang huli subalit masuwerteng hindi tinamaan.

Gumanti naman ng putok si Garcia at tinamaan sa kaliwang paa ang biktima na naging dahilan upang ito ay maratay sa nasabing pagamutan. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

CALOOCAN CITY

CAMP BAGONG DIWA

CAMP CRAME

CASTILLO ST.

GARCIA

GEMMA AMARGO

JESUS GARCIA

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

MAYPAJO

NARCOTIC GROUP

SAN PEDRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with