^

Metro

Akala'y walang bala, kaibigan biniro, todas

-
Isang 31 anyos na lalaki ang napatay makaraang biruin ng kaibigan ng una na walang lamang bala ang dalang baril ng nagwawalang lasing kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Si Martin Rublico ng 43 Landayan St. Sitio Talayan Brgy. Batasan Hills Quezon City ay namatay habang nilalapatan ng lunas sa East Avenue Medical Center (EAMC) dahil sa tinamong tama ng bala sa katawan mula sa hindi pa malamang kalibre ng baril.

Habang ang nagwawalang lasing na suspect ay mabilis na tumakas makaraang barilin ang nasabing biktima.

Sa isinagawang pagsisiyasat ng Central Police District Office-Station 6 na pinamumunuan ni Supt. Rogelio Quilang, naganap ang insidente dakong alas-10:30 ng gabi sa kahabaan ng Lantayan St. ng nasabing barangay sa lungsod Quezon.

Ayon sa pulisya, masayang nakikipagkuwentuhan ang biktima at ang kanyang kaibigan na hindi pa nakikilala nang biglang dumating ang nagwawalang lasing na suspect dala ang hindi malamang kalibre ng baril.

Sinasabi ng mga nakasaksi, hindi natakot ang mga ito at hindi sineryoso ang pagwawala ng suspect bagkus ay biniro pa na walang lamang bala ang dalang baril.

At walang sabi-sabi nang biglang itinutok ng suspect ang baril kay Rublico at isang malakas na putok ang kanilang narinig.

Biglang bumulagta ng duguan ang biktima, kasabay ng mabilis na pagtakas ng suspect dala ang baril.

Mabilis na isinugod si Rublico sa nasabing ospital ng mga nakasaksi ngunit binawian din ito ng buhay. (Ulat ni Jhay Mejias)

vuukle comment

BATASAN HILLS QUEZON CITY

CENTRAL POLICE DISTRICT OFFICE-STATION

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

JHAY MEJIAS

LANDAYAN ST. SITIO TALAYAN BRGY

LANTAYAN ST.

QUEZON CITY

ROGELIO QUILANG

RUBLICO

SI MARTIN RUBLICO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with