^

Metro

Nagsawa sa pagkain ng noodles, binata tiklo sa pang-uumit ng corned beef

-
Dahil nagsawa na umano sa ulam na noodles at para mapakain ng masarap ang may sakit na ama, isang matandang binata ang umano’y nang-umit ng isang lata ng corned beef sa isang supermarket sa Parañaque City, kamakalawa ng gabi.

Si Roberto Reyes, 40, walang trabaho, nakatira sa Medina compound, barangay Talon, Las Piñas City ay nakumpiskahan sa bulsa ng short pants ng isang lata ng corned beef ng isang security personnel.

Sa imbestigasyon ni SPO4 Bernard Mendoza, ng Parañaque city police, dakong alas-8:30 kamakalawa ng gabi ng pumasok sa YDM Supermart na nasa Quirino Avenue, Baclaran ang suspek para umano bumili ng tatlong piraso ng noodles.

Gayunman, tanging ang mga noodles lamang ang binayaran nito sa counter samantala ang kinuhang isang lata ng Purefoods corned beef na nagkakahalaga ng P73 na nakitang itinago sa bulsa nito ay hindi binayaran.

Ayon sa suspek nagawa niyang nakawin ang naturang de-lata dahil gusto umano niyang mapakain ng masarap ang amang may sakit dahil nagsasawa na umano ito na lagi na lamang noodles ang inuulam. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AYON

BACLARAN

BERNARD MENDOZA

DAHIL

GAYUNMAN

ISANG

LAS PI

LORDETH BONILLA

QUIRINO AVENUE

SI ROBERTO REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with