^

Metro

Regalong mga bra at panty binawi sa nililigawan, binata inaresto

-
"Binawi" ng isang 34-anyos na binata ang ilang piraso ng panty at bra na iniregalo nito sa kanyang dating nililigawan upang gawin na lamang itong souvenir matapos siyang bastedin, na naging dahilan naman para siya arestuhin, kahapon ng madaling araw sa Quezon City.

Nasakote ang suspek na si Moises Ege, nakatira sa #72 Scout Fuentebella st., Bgy. Sacred Heart, QC dahil sa ginawa nitong sapilitang pagpasok sa bahay ng biktimang si Kris Midlot, 25, may asawa at kapitbahay ni Ege.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-2 ng madaling araw ng makita ng ilang kapitbahay na nagmamadaling lumabas ang suspek sa bahay ng biktima kaya hinabol ito ng mga residente hanggang sa masakote at mabawi ang kinuhang 9 piraso ng panty at 3 piraso ng bra.
Dati umanong manliligaw ng biktima ang suspek subalit binasted ito. May paniwala ang pulisya na posibleng binawi lamang umano ang iniregalong mga underwear upang magsilbing alaala niya sa babaeng nililiyag. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

BGY

BINAWI

DATI

KRIS MIDLOT

MOISES EGE

NASAKOTE

QUEZON CITY

RUDY ANDAL

SACRED HEART

SCOUT FUENTEBELLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with