Setyembre 15, 2026
VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Susumpungin ka ng katamaran. Para maiwasan, mag-ehersisyo hangga’t lumabas ang pawis. Kung susundin ang payo, magiging masigla at kabigha-bighani ka, madaling makausap at walang magiging problema. Lucky numbers at color for the day ang 16, 25, 38, 42 at fuchsia.
LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – Kailangan mo ang tulong ng iba sa problema. Ang tamang payo ang makakalutas ng suliranin. Lucky numbers at color for the day ang 10, 9, 29, 40 at lavender.
SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Pag-aralan ng mabuti ang damdamin at saloobin tungkol sa kanya. Huwag magpadalos-dalos. Lucky numbers at color for the day ang 15, 29, 32, 41 at yellow.
SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – May nakaambang panganib sa relasyon. Para maiiwasan, huwag muna makikipag-date. Lucky numbers at color for the day ang 18, 20, 26, 33 at indigo.
CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Mahihirapan kang makitungo sa mga taong nakapaligid, pero magiging masaya ka. Lucky numbers at color for the day ang 16, 25, 26, 41 at pink.
AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) – Hindi mapipigilan ang tukso na darating. Pero ang sarili ay mapipigilan para hindi matangay ng tukso. Lucky numbers at color for the day ang 4, 7, 33, 39 at green.
PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Huwag biguin ang alok ng kaibigan, dahil may mapapala. Maliban kung labag sa batas ng tao. Lucky numbers at color for the day ang 17, 20, 36, 39 at orange.
ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) – Dahil sa kakapusan, magiging sensitibo ka sa bagay na may kinalaman sa pinansiyal. Lucky numbers at color for the day ang 18, 26, 36, 42 at ocean blue.
TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Mababakas ang labis na kalungkutan sa mukha. Pag-aralan ng mabuti ang damdamin. Lucky numbers at color for the day ang 18, 23, 25, 36 at beige.
GEMINI : (May.21-Hun. 21) – Kung may suliranin tungkol sa pag-ibig, madali kang makakahagilap ng tamang solusyon. Lucky numbers at color for the day ang 6, 7, 35, 41 at magenta.
CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – May kapalpakan na magagawa kung hindi mag-iingat. Repasuhin ang dapat gawin. Lucky numbers at color for the day ang 7, 14, 34, 38 at violet.
LEO: (Hul. 23-Ago. 22) – Huwag ka magtiwala sa mga kasamahan sa trabaho. May naghahangad ng puwesto mo. Lucky numbers at color for the day ang 12, 14, 33, 41 at brown.
- Latest
















