Hulyo 3, 2002

CANCER (Hun. 22-Hul. 22) – Maipagpapatuloy ang mga gawain sa kabila ng mga hadlang. Ang maging maagap sa lahat ng bagay ay may dulot na pakinabang. Nababagay ang pakikisalamuhang sosyal kaya huwag paalpasin kung may pagkakataon. Lucky numbers at color for the day ang 14-26-37-40 at royal blue.

LEO (Hul. 23-Ago. 22)
– Maging matatag sa pagharap sa katotohanan. Huwag iwasan ang mga responsibilidad na nakaatang sa iyong balikat. Kailangang pairalin ang tamang pag-iisip sa mga gawain upang maiwasan ang magkamali. Lucky numbers at color for the day ang 2-5-25-12 at canary yellow.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23)
– Malamang isang mahalagang kasunduan ang maaaring magawa sa araw na ito. Kakailanganin ang ibayong pag-iingat bago pumalaot sa isang pakikipagsapalaran lalo na sa negosyo. Iwasan ang mga bagay o inumin na makakasama sa lalamunan. Lucky numbers at color for the day ang 4-10-37-42 at jade green.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23)
– Magiging masigla ang katawan kung ipagpapatuloy ang pag-aayos ng tahanan. Ang personal na suliranin ay maaaring makatagpo ng katapat na solusyon. Ang mga maka-Diyos ay marunong magpatawad. Lucky numbers at color for the day ang 21-29-36-38 at pink.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22)
– May kaunting suliranin ang iyong negosyo o hanapbuhay na kung hahayaan ay maaaring ihambing sa isang saranggolang nawalan ng hangin. Ang maagap na paghahanap ng tamang solusyon ang magiging tanging paraan. Lucky numbers at color for the day ang 4-18-29-38 at sapphire blue.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21)
– Maging alerto sa paligid lalo kung nasa labas ng bahay. Kailangan ang lubos na pag-iingat sapagkat maaaring mawalan ka ng gamit. Ilagay lagi sa isipan ang mga mahahalagang bagay upang ito ay hindi makalimutan o maiwaglit. Lucky numbers at color for the day ang 4-9-13-28 at white.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19)
– Maaaring humingi ang katawan ng paglilibang sa araw na ito. Mabuting labanan ang anumang masamang bisyong papasok sa iyong isipan sapagkat gipit ka sa pera ngayong panahon. Siguraduhing huwag mangungutang ng pera dahil mahihirapan kang bayaran. Lucky numbers at color for the day ang 6-8-10-14 at pink.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18)
– Kung may dinaramdam, siguraduhin ang magpatingin sa doktor at huwag basta-basta na lang iinom ng gamot. Iwasan ang matuyuan ng pawis sa katawan o mabasa ng ulan. Lucky numbers at color for the day ang 7-21-33-35 at indigo.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20)
– Mahalagang iwasan ang maging masalita at baka makasagupa ng katapat. Maaaring makatagpo ng taong madaling mag-init ang ulo. Malaking pakinabang ang pagiging maalalahanin sa lahat ng pagkakataon. Magpasalamat dahil magaang ang pasok ng pera sa iyo. Lucky numbers at color for the day ang 3-21-24-31 at magenta.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19)
– May hindi inaasahang panauhin na hihingi ng iyong tulong ngunit hindi mo kayang paunlakan. Malaking pagbabago ang mangyayari sa iyong buhay kung makakaiwas sa mga tsismis. Huwag magtiwala kahit kanino sa araw na ito. Lucky numbers at color for the day ang 19-21-31-41 at dollar green.

TAURUS (Abr. 20-May. 20)
– Makabubuti at dapat lamang na disiplinahin ang sarili. Pag-isipang mabuti ang mga bagay-bagay bago gumawa ng hakbang o desisyon. Huwag magpadalus-dalos. Dapat pigilan ang sarili dahil magiging mainit ang iyong pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ang 2-19-27-32 at tangerine.

GEMINI (May. 21-Hun. 21)
– Paglabanan ang tukso ng karangyaan sapagkat may kakapusan ka sa pera. Matutulungan ng isang kaibigan o kaanak sa iyong suliranin kung magiging tapat at totoo. Iwasan ang anumang uri ng paanyaya. Lucky numbers at color for the day ang 3-4-31-39 at emerald green.

Show comments