Doncic-less Lakers nilunod Clippers
INGLEWOOD, Calif. — Bumanat si Quentin Grimes ng 23 points, habang nag-ambag si Collin Sexton ng season-high 21 points sa 103-87 paglunod ng Los Angeles Lakers sa Clippers.
Hindi naglaro si Luka Doncic para sa Lakers (4-1) dahil sa kanyang back tightness.
Pinamunuan ni rookie Keaton Wagler ang Clippers (1-3) sa kanyang career-high 21 points mula sa bench.
Nakabangon ang Clippers mula sa 38-56 pagkakabaon sa halftime para makalapit sa pitong puntos na agwat sa third period.
Ngunit tinapos ng Lakers ang yugto sa isang 27-15 atake tampok ang back-to-back three-point shots ni Sexton para sa 85-65 kalamangan.
Sa iba pang laro, wagi ang Miami Heat sa Atlanta Hawks, 129-117; at tinuhog ng Cleveland Cavaliers ang Washington Wizards, 121-111.
- Latest




















