Lyca, inalala ang pinakamahirap na bahagi ng buhay

Nakaranas nang pamba-bash online si Lyca Gairanod noong 2022 dahil sa pagkakaugnay kina President Ferdinand Marcos, Jr. at Vice President Sara Duterte. Nag-follow ang singer noon sa Presidente at Bise-Presidente ng Pilipinas sa social media kaya nakatanggap ng mga hindi magandang salita mula sa mga netizens.
“Ako naman po when it comes to social media, kahit naman sino pwede kong i-follow, yes po. Wala naman po sa akin, hindi siya personal, wala naman kahit ano. So ‘yung sinabi ko na wala kong alam sa politics, no’ng time na ‘yon siyempre 2022,” paglalahad sa amin ni Lyca sa Fast Talk with Boy Abunda.
Tumanggap ng mga trabaho noon ang singer mula sa politiko para sa kanyang mga mahal sa buhay. “’Yung father ko na-stroke. So lahat ng work ko is tinanggap ko kahit ano pa ‘yan. Ma-bash man ako, ano man sabihin ng tao, basta sa pamilya ko. Lalo na sa papa ko that time, gagawin ko. Kasi hindi ‘yon para sa akin. Tulong ko ‘yon para sa papa ko dahil wala akong ibang hinihiling kung hindi gumaling siya,” paliwanag ng dalaga.
Para kay Lyca ang pagkakasakit ng ama ang pinakamahirap na pagsubok na nangyari sa kanyang buhay.“Ginawa ko nga ‘yung pangarap kong ‘yon para sa kanila, susukuan ko ba? First time nangyari sa akin ‘yon, 2022 na na-stroke siya. ‘Yon ‘yung pinakamahirap na nangyari sa buhay namin,” pagtatapos ng singer.
Vince at Yasser, natatawa kapag nagkakatitigan!
Mapapanood na simula ngayong Lunes ang Delivery Boi na pinagbibidahan ni Will Ashley. Gagampanan ng Kapuso actor ang karakter ni Roberto ‘Boi’ Ragasa na isang delivery rider. Kabilang din sa serye ang kapwa-Pinoy Big Brother housemates ni Will na sina Mika Salamanca at Vince Maristela. Para kay Vince ay nakatutulong sa paggawa ng naturang comedy series ang pagiging masayahin nila sa set. “Nasa tent pa lang, comedy na, ‘yon ‘yun eh. Alam mo ‘yon, para mabilis mag-translate ‘yung energy pagdating sa set,” nakangiting pahayag ni Vince sa 24 Oras Weekend.
Seryoso ang tema ng dating mga proyekto ng Kapuso actor. Ibang-iba umano ang atake ngayon ni Vince sa bagong serye lalo na kapag kaeksena ang kaibigang si Yasser Marta. “Kapag magkausap kami, nagkakatinginan pa lang nga kami, natatawa na kami sa isa’t isa eh,” dagdag ni Vince.
Samantala, matatandaan namang napaiyak si Yasser kamakailan sa Fast Talk with Boy Abunda nang aming kamustahin kung ano ang estado ng kanilang relasyon ni Robb Guinto. Nakangingiti na ngayon ang binata kahit sariwa pa ang hiwalayan nila ng aktres. “Dito na lang tayo. Huwag na tayo pumunta do’n. No comment ako. Ako naman chill lang naman ako kung masaya, masaya. Kung malungkot, malungkot. Ngayon hindi naman (ako malungkot) okay naman ako. Blessed sa Delivery Boi,” pagbabahagi ni Yasser. — Reports from JCC
- Latest





















