^

PSN Showbiz

Patrick at Gelli, ginagamit na sa pagpo-promote ng negosyo!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Patrick at Gelli, ginagamit na sa pagpo-promote ng negosyo!
Patrick at Gelli
STAR / File

Hindi pa rin nakapag-move on ang ibang netizens sa isyu nina Jennylyn Mercado at Patrick Garcia.

Lalo pang lumaki nang si Dennis Trillo na ang nagsalita para ipagtanggol ang kanyang asawa.

Siya ang humaharap sa isyung ito dahil naglabas na ng statement ang Aguila Entertainment na hindi na ito sasagutin ni Jennylyn.

Pero nitong mga nakaraang araw ay nagiging positibo na ang mga ipino-post ni Dennis.

Pagkatapos ng witty posts niya na obvious namang may pinatatamaan, nagpo-post na ito ng positibong mensahe tungkol sa respeto at pag-move on.

Ibinahagi niya ang kantang Keep on Moving ng paborito niyang si Bob Marley and the Wailers.

Nasa caption nito ay tumatalakay sa respeto. Aniya, “Respeto ang mananaig today (heart emoji) Remember. No Bashing. It’s 4 fun (heart emoji) #moveon.”

Meron pa siyang post siya tungkol sa pagpapakumbaba. Sabi niya, “At the end of the day, ng pinaka importante pa din ay natuto tayo sa ating mga pagkakamali at magbago para sa ikabubuti, wag na tayong maiwan sa mga kasalanan ng nakaraan.

“Matutong magpakumbaba…magpatawad. Have a nice day Peace y’all (peace sign) #forgiveandforget #nomorehate.”

Pero ang netizens ay hindi pa nakapag-move on at may mga patama pa sila laban kay Patrick at dinadamay pa rin si Gelli de Belen.

Ang malala pa, meron pang negosyong ginagamit ang isyung ito. Nag-post sa social media ang isang food product na banned daw sina Patrick at Gelli.

Talagang umabot na sa ganun.

Meron pang nag-post na hawak ng mag-asawang Dennis at Jennylyn ang food product.

Puwede raw i-endorse ito ng mag-asawa. So nagagamit na ang mga artistang ito.

Nangyari rin ito nung kainitan ng intriga kina Paolo Contis at Yen Santos na pumunta ng Baguio “as a friend.” May isang furniture store na ginamit silang dalawa para lang mapansin ang tindahang ito.

Kaya sinulatan sila ng abogado na tanggalin ito. Kaya dapat na umaksyon din ang legal team nina Patrick at Gelli na hindi pa naman maganda ang paggamit sa kanila para mapansin lang ang produkto nila.

Gladys, sineseryoso na ang pagkanta

Sobrang na-enjoy ni Gladys Reyes ang pagiging singer na ratsada sa pagpo-promote ng single niyang Primera Kontrabida.

Noon pa man ay mahilig talagang kumanta si Gladys, kaya nae-enjoy niya ang mga personal appearance sa mga probinsya at sa ibang bansa.

Pero ngayon, feel na feel na ang pagiging singer dahil nagso-show na siya sa mga bar.

Kaya nung nakatsikahan namin siya sa Dekada Awards 2026, tinanong namin kung handa na ba siyang mag-concert.

“Concert agad?!” bulalas ni Gladys.

“Pero itong huli nakakatuwa kasi sunud-sunod ‘yung gig, ‘di ba? So last time it was a very successful show in Bar IX, wow, in Molito, Alabang. So mga 200+ lang ang capacity, wow!” natatawa niyang kuwento sa amin.

“Nakakatuwa kasi napaka-supportive nung mga tagasuporta. Hindi lang mga taga-South, may mga taga-East. From different parts.

“Tapos ‘yung mga hula-hoopers, kung saan-saan sila galing na ano ng bansa. And ito po, on the 20th, Oct. 20, meron na naman kami ni Christof along with Star Magic artists. Sa Noctos Bar naman po iyan in Quezon City,” dagdag niyang pahayag.

Lalo pa niyang nae-enjoy dahil kasama niya ang kanyang anak na si Christof na akala ng iba ay package deal silang mag-ina. “Hindi naman, hindi naman,” mabilis niyang sagot.

Singer at composer naman kasi si Christof at talagang gino-groom siya nang mabuti ng Star Magic.

Sa ngayon ay may binabalak na magka-album si Gladys at natatawa siya ‘pag napapag-usapan ito. Kinakarir na niya kasi talaga ang pagiging singer.

Kasabay nito ay masasabing level up na rin ang pagiging kontrabida ni Gladys.

Napagod lang daw talaga siya sa nakaraang Cruz vs. Cruz, kaya ngayon ay pinag-aaralan muna niya ang karakter na gagampanan niya bago niya ito tanggapin.

Sa ngayon ay naka-focus muna siya sa kanyang Primera Kontrabida na abangan daw ang kanyang music video. “They will be surprised sa aking music video. It will be out soon this October.

“Ang masasabi ko lang po, hindi siya ordinary music video. Kasi hindi lang ito singing and dancing. Ito po ay not just your ordinary music video. It’s very nostalgic and very iconic,” saad nito.

Pinost recently ni Gladys sa kanyang Facebook ang pictures niya with Susan Africa and Juan Rodrigo sa Midnight Dream Studio.

Co-stars ni Gladys sina Susan at Juan sa Mara Clara. Ayaw lang niyang idetalye pero mukhang matindi ang guests niya sa kanyang music video.

Tinanong nga namin kung pati ba si Judy Ann Santos ay magiging bahagi sa naturang music video. “Abangan na lang nila, sino ang mga may special guest appearances sa music video. Ha! Ha! Ha! Matutuwa sila ‘pag lumabas na.

“Ako, alam mo naman, siyempre hindi nila ako mahihindian, ‘di ba? Ako talaga ‘yung kontrabida na lovable!

“So nakakatuwa lang po na lahat sila, naglaan ng oras. Lahat sila, naglaan ng kanilang effort for this music video. And nakakatuwa, basta ang cute ‘pag... naku! Ayaw kong i-preempt pero soon, soon! Lalabas na po ang Primera Kontrabida music video!” masayang tsika sa amin ni Gladys Reyes.

PATRICK GARCIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with