^

PSN Showbiz

Miguel, gustong magpakita ng bago!

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Miguel, gustong magpakita ng bago!
Miguel Tanfelix.
STAR/ File

Mahigit dalawang dekada nang aktibo sa show business si Miguel Tanfelix.

Kapipirma lamang muli ng aktor ng kontrata sa GMA Network. Ginampanan ni Miguel noong bata pa lamang ang karakter ni Pagaspas sa Mulawin noong 2004.

Bilang isang aktor ay sinisikap ni Miguel na palaging may bagong ipinapakita para sa mga manonood. “Feeling ko ‘yung level-up na tinatawag natin, hindi naman ‘yon ‘yung main priority ko. Siguro kaya n’yo nakikitang iba-iba ‘yung characters ko, kasi naniniwala ako na bawat character na pino-portray ko ay sumasalamin sa isang totoong tao sa mundo. Gusto ko lang ay ma-portray nang tama ‘yung character, makatotohanan, dahil gusto ko silang bigyan ng boses, ‘di ba? Tao rin sila eh,” pagbabahagi ni Miguel sa 24 Oras Weekend.

Kahit marami nang nagawang proyekto ay parang baguhan pa rin umano ang pakiramdam ng binata sa trabaho. “Parang feeling nagsisimula pa lang ako parang lahat bago pa lang din sa akin. Parang ang dami ko pang gustong gawin.

“Lahat nang nae-experience ko sa set, sa shows, parang lahat bago sa akin kahit na 20 years na ako sa industry. Feeling ko ‘yon ang nagki-keep sa akin ng magic, ng fire,” makahulugang pahayag ng Kapuso actor.

Will, malalim na ang connection kay Mika

Kahapon ay ginanap ang album launch ni Will Ashley sa Sky Dome sa SM City sa North EDSA.

May bulung-bulungan na para kay Mika Salamanca ang kantang Paborito ng Kapuso actor. “Lagi ko naman kasi sinasabi, sinulat ko ‘tong song na ito para sa special talaga na tao. Ngayon masasabi ko na sobrang deep na talaga ng connection namin ni Mika, ng relationship namin ni Mika. Happy, we’re very happy. Sa dami ng nangyari, ‘yon ‘yung naging way para mas maging close kami. Kasi before pa naman, naiintindihan na talaga namin ‘yung isa’t isa. This year, mas lalong lumalim ‘yung understanding namin sa isa’t isa. One call away talaga eh. One call away, safe space ko si Miks,” pagtatapat ni Will sa ABS-CBN News.

Malaki ang pasasalamat ng aktor sa lahat ng mga tagahanga ng kanilang tambalan ni Mika. Matatandaang nagsimula bilang magkaibigan sina Will at Mika sa Pinoy Big Brother house noong isang taon. Ngayong taon ay patuloy naman ang ginagawang panliligaw ng binata sa aktres. “Happy ako na merong mga taong sumusuporta talaga sa amin ni Mika. We’re just so happy na makita ‘yung mga taong ‘yon after everything na nangyari. Nandiyan pa rin talaga sila,” paglalahad ng binata.

Kamakailan ay magkasamang nagbakasyon sa Vietnam sina Mika at Will. Kahit napagod sa biyahe ay talagang nag-enjoy naman daw ang Kapuso actor. “Super happy though nakakapagod. Pagdating namin doon, dire-diretso kami eh. Kain, ikut-ikot, ‘yon ‘yung time na wala pa kaming tulog. Pero sobrang bawi naman ‘yung pagod na ‘yon kasi na-enjoy namin ‘yung Vietnam. Siya ‘yung nag-book eh para sa vlog. Before nababanggit ko sa kanya, gusto kong pumunta ng Vietnam. Gusto kong ma-try kasi hindi pa ako napupunta ng Vietnam,” pagtatapos ng aktor.

(Reports from JCC)

MIGUEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with