Kathryn, pa-sexy na rin ng bikini

Biglang nasa bikini era na rin si Kathryn Bernardo, pero may denim pants naman sa baba.
Ang sexy naman in all fairness na ginawa niya para sa kanyang isang endorsement.
Samantala, isang pasabog na plot twist ang gumulantang sa viewers ng Someone, Someday matapos ang rebelasyon na magkapatid pala ang mga karakter nina Kathryn Bernardo at Maja Salvador.
Nasasagot na ang ilan sa mga katanungan sa matinding galit ni Bea (Maja) kay Billy (Kathryn) dahil sa surprise birthday party na dapat sana para kay Precious (Dimples Romana), pero sina Bea at Billy pala ang na-surprise. Nawindang kasi si Bea nang makita niya sa unang pagkakataon na magkasama sina Billy at ang tatay nilang si Enrico (Rowell Santiago).
Sumunod dito ang ilang flashback scenes na kinukumpirmang tatay rin ni Bea si Enrico na kinalaunan ay nawala na lang sa buhay nila na parang bula. Dahil dito, mas nabibigyang-linaw ang inggit at motibo ng paghihiganti ni Bea laban kay Billy.
Ngunit, hindi naman alam ni Bea na sinusumpa rin ni Billy si Enrico dahil sa pag-abandona nito sa kanilang pamilya, at wala pa rin kamalay-malay si Billy na half-sister niya si Bea.
Samantala, may sariling love problem naman na pinagdadaanan si Jordan (James Reid) dahil mukhang unti-unti niyang napagtatanto na higit pa sa best friend ang nararamdaman niya para kay Billy.
Subaybayan ang Someone, Someday gabi-gabi, mula Lunes hanggang Biyernes, ng 8:45 PM sa ALLTV2, TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YouTube, at Facebook, at TFC. Napapanood din ito ng 72 hours in advance sa Netflix at 48 hours in advance sa iWant.
- Latest
























