Sarah, iba ang nilantad

Walang pakita ng tummy ang latest post ni Sarah Geronimo.
Parang intentional daw na tinakpan ito ng tuwalya nang siya ay magpa-salon upang magpa-haircut kahapon.
Caption niya sa tatlong snap habang nasa harap ng mirror sa salon, “Enjoyed taking selfies! Love my new hair color! Hello September!”
Nauna na ngang nag-post si Matteo Guidicelli na nasa ultrasound machine. Pero nanggo-goodtime na siya ang inu-ultrasound.
Ang sunod na basis ng happiness ng fans na preggy na si Sarah ay ang pag-congrats kay Matteo ng kanyang mga kaibigan na magiging daddy na raw ito.
Kung anuman, aabangan tiyak ‘yan sa YouTube channel ni Matteo na dapat ay lalabas na raw noong Sabado.
- Latest

















