^

Metro

Trapik sa NLEX gapang pa rin

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Trapik sa NLEX gapang pa rin
Motorists experience bumper-to-bumper traffic along the North Luzon Expressway (NLEX) in San Simon, Pampanga on August 31, 2026 with some passengers opting to walk to get to a nearby gas station.
Miguel De Guzman/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Bagama’t tatlong araw nang walang ulan, nananatiling mabigat ang daloy ng trapiko sa ilang bahagi ng North Luzon Expressway (NLEX) kahapon dahil sa tubig-baha sa San Simon, Pampanga na dulot ng patuloy na pagtaas ng lebel ng Pampanga River.

Ayon sa NLEX Corporation, pansamantalang isinara sa lahat ng uri ng sasakyan ang Sta. Rita at Pulilan northbound entries, habang sarado rin ang Libtong Exit dahil sa pagbaha sa local road. Mabigat din ang trapiko sa Tulaoc, San Simon, kung saan may tubig sa lahat ng lane.

Nabatid na sa Tulaoc, bukas sa lahat ng uri ng sasakyan ang Lane 1, habang Class 2 at 3 vehicles lamang ang pinapayagang dumaan sa Lane 2. Hindi naman madaanan ang Lane 3 dahil sa mataas na tubig habang sa San Simon Interchange, Class 2 at 3 vehicles lamang ang maaaring dumaan sa Lane 1, habang hindi passable ang Lane 3.

Pinayuhan ang mga northbound na Class 1, 2 at 3 vehicles na lumabas sa Balagtas Exit at dumaan sa Maharlika Road patungong Central Luzon Link Expressway (CLLEx) bilang alternatibong ruta.

Para naman sa mga southbound na Class 1 vehicles mula SCTEX at TPLEX patungong Metro Manila, inirekomendang dumaan sa CLLEx patungong Maharlika Highway. Nananatili ring mabigat ang trapiko sa Candaba Viaduct, bagama’t passable ito sa lahat ng uri ng sasakyan.

Pinayuhan ng NLEX management, ang mga motorista na maglaan ng dagdag na oras sa biyahe, gumamit ng alternatibong ruta at patuloy na bantayan ang mga abiso ng NLEX hinggil sa kondisyon ng kalsada.

Samantala, sa inilabas na advisory ang Victory Liner, ang mga northbound trips ay dadaan sa  Nueva Ecija na maaaring dagdag-oras sa biyahe. Iiwasan ang NLEX viaduct dahil sa matinding pagsisikip ng trapiko sa lugar, kasunod ng direktiba ng mga awtoridad sa NLEX.

Dahil sa alternatibong ruta, dadaan muna ang mga bus sa Nueva Ecija, na magdudulot ng mas mahabang oras ng paglalakbay kumpara sa karaniwang biyahe.

Pinapayuhan ang mga pasahero na mag­laan ng hindi bababa sa 10 hanggang 14 oras o higit pa para sa kanilang biyahe.

Humingi ng paumanhin ang kumpanya sa abalang dulot ng pagbabago sa ruta at tiniyak na patuloy nitong uunahin ang kaligtasan ng mga pasahero at mga tauhan habang sinisikap na maihatid sila nang ligtas sa kanilang mga destinasyon.

NORTH LUZON EXPRESSWAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with