^

Metro

21 baril isinuko ng Kingdom of Jesus Christ

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isinuko ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ang nasa 21 iba’t ibang uri ng matataas na armas sa Philippine National Police (PNP) Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Davao, sa pamamagitan ng flagship program na “Oplan Paglalansag Omega.”

Ayon kay  CIDG chief PMGen. Leo M Francisco, ang bountaryong pagsuko ng mga baril ay alinsunod sa direktiba ni PNP chief, General Rommel Francisco Marbil  upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng publiko, 

Isinagawa ang ­operasyon alas-6:30 nitong Linggo ng umaga (May 25) sa loob ng KOJC Compound, na mata­tagpuan sa kahabaan ng Phil-Japan Friendship Highway sa Sasa, Davao City.

Sinabi ni  Francisco,  isinurender ng isang Atty. Israelito, kinatawan ng KOJC ang 21 unit ng mga baril na pag-aari ng isang Cresente Chavez Canada para sa pag-iingat.

Kabilang sa isinukong mga baril ang  RMTON .22LR/22MAG Rifle;  DAEW 12 gauge Shotgun; ELISC 5.56 Rifle; ARMSCOR 9mm Pistol; Unit SWSN .38 Revolver; RMTON .300WIN Small Arm; TRUS 9mm Pistol; CZ 9mm Pistol; FNH Cal. 5.7 Pistol; COLT Cal. 380 Pistol; FNH Cal. 5.7 Pistol; GLCK 9mm Pistol; COLT .45 Pistol; PARAO .45 Pistol; WLTHR .22 Pistol; PMS 9mm Pistol; METRILLO 9mm Pistol; TAURUS .38SUPER Revolver; METRIL .357 Pistol;  STRYV .45 Pistol; CZ 9mm Pistol; 14 na piraso ng 9mm live ammunition, at 2 CZ pistol magazine.

Nasa kustodiya na ngayon ng CIDG Davao ang lahat ng baril para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Pinasalamatan naman ni Francisco ang KOJC sa kanilang suporta at idiniin ang kahalagahan ng boluntaryong pagsuko sa pagpapanatili ng kapayapaan.

 “Active participation of community and public is essential in our fight against illegal firearms for a safer, secure nation, dahil ang gusto ng pulis na ligtas ka,” pahayag ng CIDG Director.

vuukle comment

GUN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with