^

Pang Movies

Dingdong, pinalaki na ang kanilang organisasyon

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Kung noong nagsimula sila four years ago, ang grupo ngAKTOR na pinamumunuan ni Dingdong Dantes ay tinawag na “Breakaway group” lamang sa KAPPT, ngayon mukhang nakuha nila ang mas malalaking stars na may sinabi sa industriya. 

Noon kasing unang pasok nila, nagkaroon ng wait and see attitude ang iba dahil tila may bahid ng pulitika ang kanilang samahan. 

Isa sa mga dahilan nila noon ay dahil wala na raw sa ayos ang dati nilang guild na KAPPT at tinutulan din nila ang pamumuno ni Imelda Papin. 

Pero kaya naman nakatakbo si Imelda Papin sa KAPPT ay dahil bonafide member siya noon. Hindi rin siya masisisi mabuti nga at naglakas loob pa siyang pamunuan ang KAPPT noong panahong wala namang mga malalaking artistang dumadalo sa kanilang mga meeting at maging sa eleksiyon at wala rin iyong pondo.

Ganyan din naman ang nangyari sa mga director ng pelikula noon. Mayroon silang guild, ang KDPP tapos iyong mga director na busy sa trabaho hindi naman nagpapakita ng interest natural kung sino iyong present sila ang mamumuno ng samahan na hindi naman matanggap ng iba kaya nagbuo sila ng DGPI. 

Kung sabihin noon iyong DGPI ang elite at iyong original na KDPP mga second stringers lang ang members. Ganyan din naman ang KAPPT ngayon, na sinasabi nilang binubuo ng starlets at iyong elite group nasa AKTOR. 

Lalo na nga ngayon may  advisory board pa sila na binubuo nina Charo Santos Concio, Tirso Cruz III, Christopher de Leon atVilma Santos Recto. Iyong kanilang board of directors ay binubuo rin ng mga kilalang artista. Kung titingnan mo ngayon hindi na breakaway group ang AKTOR, mukhang sila na ang frontliners at natabi na iyong KAPPT.

Sana magtagumpay rin sila para hindi sila ganap na maiwan ng AKTOR.

Kyline, in-unfollow na ang pamilya ni Mavy!

Bakit nga ba laging issue sa mga tao kung may ina-unfollow ang isang celebrity sa kanilang social media account.

Ang pinag-uusapan naman ngayon ay ang pagkaka-unfollow ni Kyline Alcantara sa dati niyang syotang si Mavy Legaspi at hindi lang si Mavy nag-follow rin siya sa buong pamilya kabilang na sina Zoren at Carmina.

Siguro wala namang masamang ibig sabihin iyon. Hindi nangangahulugan iyon na may galit si Kyline sa kanyang dating syota at buong pamilya noon ang pag-unfollow niya. Iyon ay para lang siguro wala na siyang marinig o mabalitaang hindi maganda tungkol sa dati niyang syota.

Tutal ang tsismis naman ngayon ay mukhang nakakasama ni Kyline ang poging cager na si Kobe Paras. 

Bert Martinez, pumanaw na ‘di naisama sa Walk of Fame

Namatay na pala ang dating actor na si Bert Martinez, ang tatay nina William at Albert Martinez noong Lunes sa edad na 87. Hindi naman sinabi kung ano ang kanyang ikinamatay pero sa kasalukuyan, ang kanyang burol ay nasa Arlington Memorial Chapels.

Natatandaan namin, noong nakaraang linggo yata ay nabanggit pa si Bert Martinez sa isang social media post, na halos lahat daw ng kasabayan noon ay nailagay na sa Walk of Fame pero siya ay wala pa. Pero ayon na nga nakamatayan na niya iyon.

vuukle comment

DINGDONG DANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with