^

PSN Showbiz

Coleen todo tanggol sa kapayatan ni Billy

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Coleen todo tanggol sa kapayatan ni Billy
Billy Crawford
STAR/File

Usap-usapan sa social media ang hitsura ngayon ni Billy Crawford dahil sobrang payat at mukhang may sakit diumano ang aktor. Lumantad naman ang asawang si Coleen Garcia upang sagutin ang mga espekulasyon ng netizens tungkol sa mister. “I guess people are so used to seeing us like this, na made up kami and showbiz mode. Pero kahit noon pa, si Billy talaga may dark circles (sa mata), and ‘yung hair niya medyo nauubos na. Pero even before, it was never a problem to us. Hindi siya issue para sa amin. Hindi namin kinakahiya,” bungad ni Coleen sa ABS-CBN News.

Ayon pa sa aktres ay walang dapat ikabahala ang mga tagahanga dahil talagang mabuti ang kalagayan ng mister. “He’s more than okay. As in ‘yon na nga, payat siya kasi wala na siyang mga bisyo. In his whole life, proud ako sa kanya na never ever tried mga hard drugs or anything. We’re putting it out there and honest kami sa inyo. Sana may mga mag-respect din sa mga sinasabi namin because we wouldn’t lie about something like that. Billy used to struggle with alcoholism. He quit alcohol, he quit smoking. Wala siyang bisyo ngayon and he’s healthier than ever,” pagbabahagi niya.

Hindi man aktibo sa telebisyon at pelikula si Billy ay abala naman daw sa mga ginagawang international shows. Halos buwan-buwang bumibiyahe patungong ibang bansa si Billy para magtanghal ayon kay Coleen. “Ang hirap nang ginagawa niya. Every month, he leaves the country to work. And every time he leaves the country, he does several shows,” pagtatapos ng aktres.

Yael, nakasulat ng kanta sa panonood ng K-Drama

Kamakailan ay nailabas na ang music video para sa kantang Tatlong Buwan ng Sponge Cola.

Ayon sa bokalista ng banda na si Yael Yuzon ay ang Korean Drama na Queen of Tears ang naging inspirasyon nang isulat ang naturang single. “I don’t shy away from writing TV shows or a series because it is a universal truth. I am a human being and I have feelings and but addressing these feelings I get from shows, automatic it is relatable. You can write about your own experiences and you can be sensitive to other narratives that move you,” pagtatapat ni Yael.

Nasa ika-sampung episode na umano ng Netflix series umano ang pinapapanood ni Yael nang maisipang isulat ang bagong kanta.

Talagang nagandahan din ang bokalista ng Sponge Cola sa naturang K-Drama. “It helps that it’s a series, you really get to know the characters. You see why they’re the way they are. Sociological factors, family ties, trauma. You see how they’re all shaped and the push and pull of every character. Ultimately, there’s just so much clarity in the way the narrative unfolds that it’s so easy to empathize, which makes it easier to feel and easier to write. When I like something, I write about it. It was designed to be a tearjerker, it was intense. It escalated and by episode 10, it was one of those mind-blowing heavy drama. It was time to write the song. I tucked in my wife (Karylle) then I started writing it. The song kind of wrote itself. Kada lapag ng words sa music, lahat sumakto. Hindi lagi nangyayari ‘yon, just one of the magical moments,” pagdedetalye ng bokalista.

Kinabukasan ay agad daw nilapatan ng musika ni Yael ang naisulat na lyrics pagkatapos mapanood ang episode 10 ng serye. “I recorded guitar, vocals, and backing vocals and our producer Joey Santos, he is in Singapore. He added an atmosphere and everything worked out,” pagtatapos niya. (Reports from JCC)

vuukle comment

BILLY CRAWFORD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with