^

Probinsiya

Trak vs motorbike: 2 dedo

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY Albay , Philippines  - Patay ang rider at kaangkas nito habang sugatan naman ang isa pa makaraang sumalpok ang kanilang motorsiklo sa kasalubong na trak sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay Batang sa bayan ng Pamplona, Camarines Sur kamakalawa ng umaga. Kinilala ang mga namatay na si Milan Albino, 17, ng Brgy. Poblacion; at Rica Mandasoc, 18, ng Brgy. Del Rosario habang ginagamot naman sa Mother Seton Hospital ang sugatang si Karen Gonzales. Sumuko naman sa pulisya ang driver ng trak na si Danilo Agarin, 60, ng Barangay 51 Buyuan, Legazpi City, Albay. Base sa police report na nakarating sa Camp Simeon Ola, lumitaw na inagaw ng motorsiklo ng mga biktima ang kabilang linya ng highway kaya sumalpok sa kasalubong na truck (MGF-488) ni Agarin. Isinugod si Albino at Mandasos sa Bicol Medical Center sa Naga City subalit kapwa idineklarang patay.

vuukle comment

RIDER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with