^

Headlines

LT/Armando nalo sa FAMAS

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - The Philippine Star

Finally, nakakuha rin si Mr. Armando Goyena ang best actor trophy sa kanyang pagganap sa comeback movie niyang Yamashita: The Tiger’s Treasure - nang ipagkaloob sa kanya ng FAMAS ang karangalan sa ginanap na awards night the other night sa Manila Hotel. Matagal ding hindi napanood si Mr. Goyena sa pelikula kaya nang gawin niya ang Yamashita, maraming umaasa na mapapansin siya.

Ito naman ang second time na nakuha ni Lorna Tolentino ang best actress trophy para sa kanyang pelikulang ABKD...Ina ng Viva Films. Isang pelikula na tungkol sa inang walang pinag-aralan pero sinisikap maging isang mabuting ina sa kanyang mga anak. Nauna na siyang pinarangalan ng Film Academy of the Philippines two weeks ago.

Best Picture ang Bagong Buwan ng Star Cinema at Bahaghari Production na napanalunan ding pelikula ni Marilou Diaz-Abaya bilang Best Director.

Wala si Carlo Muñoz para tanggapin ang kanyang trophy bilang Best Supporting Actor para pa rin sa Yamashita, samantalang hindi naman umabot si Caridad Sanchez para magpasalamat sa panibagong karangalan bilang Best Supporting Actress. Ito rin ang second time na nanalong Best Supporting Actress si Caridad. Nauna rin siyang pinarangalan ng FAP.

Si Jiro Manio ang nanalong Best Child Actor para pa rin sa Bagong Buwan at si Christine Mangle ang Best Child Actress para sa pelikulang Buhay Kamao.

Anyway, may prepared speech si Mr. Goyena nang tanggapin niya ang trophy. Pinasalamatan niya ang mga taong nag-incourage sa kanyang magbalik pelikula noong nakaraang Metro Manila Film Festival sa kabila ng kanyang edad.

Si Lorna ay inaming ipinagdasal niyang makakuha pa ng isang trophy para sa kanyang pagganap sa ABKD...Ina pagkatapos maghakot ng kanilang pelikula sa nakaraang FAP.

Samantala, ang eldest brother ni Carlo na si Leandro Muñoz ang nag-accept ng award niya.

Ang Comedy King na si Dolphy ang binigyan ng highest recognition ng FAMAS bilang Bituin ng FAMAS Mula Noon Hanggang Ngayon at Lou Salvador Memorial Award.

Si Eddie Garcia ang ginawaran ngayong taon ng Lifetime Achievement Award na nangako sa kanyang acceptance speech na mananatili siya sa showbiz hangga’t kaya niyang magtrabaho.

Isa sa mga highlight ng awards night ang special number ng mga pamilyang nasa showbiz.

Nagsilbi rin ‘yung tribute sa mga artistang sumakabilang buhay na.

Naging host ng 50th FAMAS Awards Night si Kris Aquino kasama sina Dingdong Dantes, Marvin Agustin, Troy Montero, Piolo Pascual at Carlos Agassi.

Mas star-studded ang FAMAS ngayong taon kumpara noong mga nakakaraang taon. Pero kung gaano karami ang artista, ganoon din naman karami ang commercial load kaya inabot ng 3:00 ng umaga ang pagpapalabas nito sa RPN 9. Karamihan sa mga nanood ay nakatulugan na lang dahil sa sobrang tagal at dami ng commercial. "Hindi na rin napapanood ‘yung reaction ng mga nanalo dahil pinapasukan agad nila ng sponsor," emote ng karamihan sa mga nanonood sa TV.

Anyway, ang FAMAS ang kauna-unahang organization na nagbigay ng parangal sa mga artistang nagpapakita ng pambihirang galing sa kanilang pagganap.

ANG COMEDY KING

ARMANDO GOYENA

AWARDS NIGHT

BAGONG BUWAN

BEST

BEST SUPPORTING ACTRESS

KANYANG

MR. GOYENA

YAMASHITA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with