^

PM Sports

Eala tututok na sa Ningbo Open

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Goodbye na rin si Pinay netter Alex Eala sa doubles event ng WTA Wuhan Open na ginaganap sa Wuhan, China.

Kaya naman sesentro na ang paghahanda ni Eala para sa susunod na labang haharapin nito sa WTA 500 Ningbo Open na papalo mula Oktubre 19 hanggang 25 sa Ningbo, China.

Balik-ensayo agad si Eala matapos ang masaklap na kampanya nito sa Wuhan kung saan maaga itong nasibak sa singles at doubles.

Lumasap ang Pinay netter ng 6-4, 3-6, 3-6 pag­yuko kay world No. 217 Shi Han ng China noong Lunes.

Nadagdagan pa ang pait ni Eala nang masibak din ito sa doubles kasama ang kaibigang si Zeynep Sonmez ng Turkey.

Nagtamo sina Eala at Sonmez ng 2-6, 2-6 pagkatalo kina Ukraine netters Dayana Yastremska at Anhelina Kalinina sa opening round upang tuluyan nang mamaalam sa kontensyon si Eala.

Nais ni Eala na maibalik ang winning form nito sa Ningbo Open na isang WTA 500 event.

May 28 players ang pasok sa main draw kung saan ang Top 4 players lamang ang mabibigyan ng first-round bye.

Kumpirmado ang partisipasyon nina Ningbo Open defending champion Elena Rybakina ng Kazakhstan kasama sina world No. 4 Jessica Pegula ng Amerika, world No. 6 Elina Svitolina ng Ukraine at world No. 9 Iga Swiatek ng Poland.

Huling nakatikim ng panalo si Eala sa WTA Tour noon pang Setyembre 4 nang manalo ito sa second round ng US Open laban kay Oleksandra Oliynykova ng Ukraine (6-1, 6-4).

Mula noon ay sunud-sunod nang minalas si Eala.

Natalo ito sa opening round ng Singapore Open at Wuhan Open habang yumuko rin ito sa semifinals ng Asian Games para magkasya lamang sa tanso.

ALEX EALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with