^
ââWag Matakot, Makibakuna!â
From QUARATINE UNO (41) to QUARATINE DOSE (42)! From THOSE were the days to DOSE will be the days! The Year of the BAKA will be the Year of the BAKUNA!

‘’Wag Matakot, Makibakuna!’

ME, STARZAN - Joey de Leon (The Philippine Star) - January 12, 2021 - 12:00am

Bago ang lahat at ‘di dahil year bago na,

THANK YOU Twenty-Twenty at ang aming programa,

In your year, Eat Bulaga ay nairaos ba

At naiselebra pang-APATNAPU’T ISA!

Kung sa kamiseta man ay napa-imprenta

“QUARANTINE UNO” at “ANNIVIRUSARY” pa,

He, he, he… eh ipagpaumanhin nyo sana

And I promise this year’s T-shirt na’y mag-iiba!

Ngayon namang sa pang- APATNAPU’T DALAWA,

Tumatahak na tayo sa Taon ng BAKA,

Sigaw nami’y ‘di “Wag matakot, makibaka!”

Kung hindi HUWAG MATAKOT, MAGPABAKUNA!

At dahil dyan at sa pangako ko kanina,

Ang bagong print ng T-shirt ay naisip ko na!

Dahil Forty-Second Anniv at sa bakuna,

“QUARANTINE DOSE” na ang susunod na tatak nya!

Dose na tungkol sa gamot na tunog “dalawa”,

FORTY-TWO-ROK pwede rin dahil sa bakuna!

Pero sana nga itong virus mawala na

Sapagkat magastos din ang magpa-imprenta!

He, he, he… isang raket online syanga pala,

Ang magbenta ng may tatak na kamiseta,

Kunwari, “Quarantine Do Us Homage” ang isa,

Karugtong at punchline: WE AGE AT HOME! O ‘di ba?!

“Use ‘Quarantine’ and ‘Bakuna’ in one sentence” pa,

Punchline: DAHIL SA QUARANTINE ANG TA-BAKUNA!”

Ops, ako nag-isip nung Tee prints na dalawa!

Sa gagaya wag nang mag-face mask, MAKAPAL NA!

Gumawa mula sa sarili nyong ideya,

Paglaruan mga salita at magsaya!

Pwede yung sa “Lion King” … BAKUNA MATATA!

Matata … galan pa man basta pa-bakuna!

Kung anong side effect pa’y magtiwala ka

Na higit na lunas ang ating makukuha!

At saka kung may mangyari namang disgrasya,

Wag mag-alala at tayo ay sama-sama!

Kung Bulaga pang-Apatnapu’t Dalawa na,

Yung Part Two ng virus din ay umarangkada!

Pero yung vaccine natin natrapik sa EDSA!

Ang sabi namimili pa … sa Divisoria?

Namimiling BUY o namimiling CHOOSE pa sya,

Kung ano makuha may halong tsamba-tsamba!

Mahalaga’y kung saan galing ang the word TSAMBA —

Ang pagkakaroon ba ng vaccine MAY CHANCE BA?!

Kahit ano pa basta pinakamaaga!

Nang hindi lahat tayo ay kakaba-kaba!

Wag nang maghintay sa may porsyentong Noventa,

Basta may INTSEK-syon siguro’y pupwede na!

Nagka-kontrobersya pa nga kung kanino ba,

SINO VAC este, sino ba’t where from talaga

Ang kukunan natin ng supply ng bakuna?

Baka magkaron tayo pag Covid wala na!

Ngek! At wari bang nanunukso pa talaga,

Magkahawig at magkatunog pa dalawa —

Yung dating VACATION naging VACCINATION ba!

Wahhh! Yung dating TOUR napalitan ng TUROK pa!

Aray! At yung BACKPACK op kors naging BAKUNA!

Dala-dalawa na ngayon ating problema —

Magpabakuna at sa travel magpa-BOOK na!

Ngek! May problem pa pala! Saan ka pupunta?!

Sa nangyayari ‘di ba kayo natatawa?

Imagine sa bakuna tayo’y pumipila!

Yung mayayamang bansa syempre mauuna!

Meron na naman tayong “drug problem” hindi ba?!

He, he … and while waiting for whatever bakuna,

Mga sugapa at adik pagsabihan na

Na ang pagturok sa lahat ay isa-isa,

‘Di ito yung droga na iniisip nila!

A BAKUNA pag pakaliwa mo binasa,

Yan ang katanungan talaga — ANUKABA?

Baka naman pag dito’y nakarating na

Ngek! Ang expiration date nito’y- titingnan pa!

BAKUNA
Philstar
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with