^
âHappy New Normal!â
Mula sa amin, isang MASAGANA at MALUSOG na BAGONG TAON!
STAR/ File

‘Happy New Normal!’

ME, STARZAN - Joey de Leon (The Philippine Star) - December 26, 2020 - 12:00am

Apat na araw na lamang ang natitira,

Twenty-Twenty madadagdagan na ng isa!

Taon ay bago na, Taon na ng Bakuna!

Taon na ng Baka, Daga balik lungga na!

Sa lahat isang Bagong Taong masagana!

Ang Taong parating mas mabuti na sana!

Nawa ang pandemya tuluyang maglaho na

Kahit habang panahon kami’y mag-face mask pa!

Ngek! Sa ibang mga tao eh pasensya na

At sa aking pangako kayo’y nadamay pa!

Ngunit tingin ko kahit wala nang pandemya,

Face masks magiging bahagi ng pagporma!

NUMERI CHRISTMAS to everyone! From Eileen and Joey.

Palagay ko magkakaroon ng FACE-SHION na!

Beauty at NO VIEW tabla-tabla na kumbaga!

While going to work pwedeng nag-aalmusal ka!

Habang ngumunguya walang makakakita!

Malay nyo sa pabango mas makakamura

Sapagkat ALCOHOLOGNE na magiging moda!

May bags mang Channel, LV, Prada et caetera,

Alam nating hand sanitizer ang laman nya!

Sa mga susulat ng mga bagong kanta,

Please wag muna songs tungkol sa pagkakaisa,

Wag muna about UNITY gawin nyong tema

Kundi about IMMUNITY mas aprub ‘di ba?

Noong last Sunday ang aking closing patawa

Ay tungkol kung ano sa English ang Bakuna,

Ang punchline ko: BACON ngek! Eh kung ganon pala,

Bacon and Egg magiging BAKUNA’T ITLOG sya!

Ngek! Ang tunog parang ang sagwa’t ‘di maganda!

Naturalmente tayo lang ay magsitawa!

Inyong sense of humor wag mawawala sana!

Salubungin ang New Year nang masaya basta!

Subalit ang mapaglarong utak ko pala,

‘Di pa tinantanan ang lahat ikonekta —

May ASIN daw ASINTOMATIC sa umpisa!

And the word ASIN sa VACCINE kuno nakuha!

Isang uri nga kasi ng cure ang bakuna,

Salt-cured naman ang bacon, inasnan kumbaga,

Hindi naman maiwasan at may kumontra,

Sinukaan daw, ASIMTOMATIC banat nya!

Basta tandaan ang pinakamahalaga

Sa hapag-kainan pagdating nochevieja —

Remember kahit wala kang queso de bola,

Just say CHEESE … smile… pumikit at mag-Thank You ka!

At kahit NO fireworks, PRAYER WORKS alam nyo ba?

Sa pinagdaanan at pagdaraanan pa,

Magpasalamat at bigyang pag-asa sana,

Manalangin at yakapin ang isa’t-isa!

Ngek! At yun pa nga pala ang isang problema —

Kailangan pa rin natin ang mag-distansya!

Erase the embrace! Beso-beso at iba pa,

Puro mga flying kiss at kindatan muna!

Ang Kiss na tunog Cheese gawing BESO DE BOLA!

Patalbugin halik, palipari’t ipasa!

Kung ubra maintain the distance maging sa mesa,

Sa Jamon at Lechon de Leche lumayo ka!

Ako nga sa hot pandesal lang na’y masaya!

Mainit na tsokolate ay ternohan pa!

Kwentuhang naikwento na hanggang umaga,

Kasabay ng konting wine ‘tapos ay tulog na!

Pero kung iisipin nyo sa isang banda,

At ito’y aminin man o hindi ng iba,

May mga “nabuhay” sa gitna ng pandemya,

Iba’y nakilala’t tila naging artista!

Naturalmente dahil yan sa Social Media!

Kanya-kanya bang programa at plataporma!

Animo’t wari mo’y nakawala sa kwadra!

May nagpapatawa at may itinitinda!

Parang biglang nakalabas sa lungga sila!

Lahat STAR, walang ekstra, lahat ay bida!

At kung susuriin magyayari talaga,

Year of the RATS ngayon, baliktarin … STAR?! Nyahhh!

JOEY
Philstar
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with