‘Salt Bae in Dubai’
ME, STARZAN - Joey de Leon (The Philippine Star) - December 15, 2019 - 12:00am

November 15 Dubai show of Eat Bulaga ­—

Masaya kami at marami ang natuwa!

Ang programa’y halos tatlong oras ang haba!

Hapunan namin tuloy midnight snack na yata!

The next day for breakfast hindi na ‘ko bumaba

Pero sa lunch daw doon sa NUSR-ET chichicha!

Wow! Kay SALT BAE ito at tayo’y napahanga

Sa pagwisik ng asin sa karneng hiniwa!

Natuwa ako’t sa wakas matitikman na

Masarap na steak ayon sa aking asawa!

Dahil nun sa Istanbul nung kami’y magpunta,

Kumain sila ni Jox ‘di ako sinama!

Si Jox ay si Jocas na anak kong dalaga

Na sumegunda pa na masarap talaga!

Kaya ako naman nun lalong naintriga!

Kaya nung dun papunta na … ang saya-saya!

Ngunit pagdating nabawasan ang ligaya

Pagkat eksaktong kaaalis lang pala n’ya!

Sayang at nakipagkodakan kami sana!

Nagtyaga na lang sa mukha nya sa entrada!

Masarap at malambot ang lahat na tinira!

Lahat nagsilbi may gimik at palabas pa!

May bigote lahat tulad ng ating bida!

Pati paghagis nya ng asin kuhang-kuha!

Syempre sa huli si Eileen may pahabol pa —

Wag daw kalimutan ang the best na Baklava!

Nang magkaalaman na tatlo ang kinuha!

Ako’y napamura’t ang sarap nga talaga!

Nang ‘di pa natatapos at nilalasap pa

Ay lumapit ilang waiters sa aming mesa,

May binulong nang hindi marinig ng iba —

SALT BAE IS OUTSIDE … kami ay pinapupunta!

Ngek! At nagtayuan na kami isa-isa!

Syempre excited ako at nangunguna pa!

Paglabas ko si Salt Bae two arms nakabuka!

Yakapan kami! At sa akin may kiss pa sya!

Matapos makipag-picture umalis na sya!

Sa ibang kumakain walang nakapuna!

Mesa lang namin talagang pinagbigyan nya!

Nang may nagtanong, “Teka, tayo ba’y bayad na?!”

Ang trip na ito’y masasabi kong isa na

Sa ‘di malilimutan ng aking bituka!

Bukod kasi kay Salt Bae kami ri’y nag-ZUMA!

One of the best in the world! The best din dessert nya!

‘Di ko binanggit mga kinain talaga,

Kayo na humusga pag kayo na’y nagpunta!

Ganito na lang maidadagdag ko basta —

EAT at NUSR-ET and ZUMA … mabuBULAGA ka!

Yes, panghimagas na may ice cream nung dalawa

‘Wag palagpasin kahit member ka ng MEDIA ­—

ME DIABETES ang ibig sabihin kumbaga,

Nang makumpleto ligaya ng ngala-ngala!

Internet sensation Salt Bae with the Eat Bulaga Dabarkads in Dubai.

 

DUBAI EAT BULAAGA JOEY DE LEON SALT BAE
Philstar
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with