âCats and Dogsâ
Asup Pusa—The massive Black Cat by Colombian sculptor Fernando Botero will welcome meow as you enter The SOHO Hotel in London. Looking for the Dog? That’s ME! I was born in The Year of the Dog!
‘Cats and Dogs’
ME, STARZAN - Joey de Leon (The Philippine Star) - June 23, 2019 - 12:00am

Sa animals hindi ba kayo nagtataka

Kung bakit ASO at PUSA ang magkasama?

Lion-Tiger nga naging mosquito killer pa!

Same lahi kasi…CAT ALL o KATOL kumbaga!

 

Nagsaliksik Ang Poet N’yo nang matapos na;

Nang masagot ang katanungang bakit nga ba

At saka Cat and Dog bakit espesyal sila?

Isipin n’yo na lang may ospital at “food” pa!

 

Nung nilalang ng Dios sina Adan at Eba

Ay naisip din N’yang gawan ng kapareha

Ang mga hayop nang may ka-tandem kumbaga,

Dapat pantay-pantay ang lahat ang sabi N’ya!

 

At dahil DOG medyo malakas sa Kanya

Sapagkat GOD ay DOG pag baliktad binasa!

Ito ang hayop na tinanong na nauna

Kung alin ang nais nito na kapareha!

 

Ang Aso’y nag-isip at nagpalinga-linga

At nang magawi sa PUSA ang paningin n’ya,

Ngumiyaw ang CAT na waring nanghahalina,

“MEOW, MEOW,” ang sabi n’ya na “ME-YOU” pala!

 

At dahil doon ang Aso na nga’y nadala,

Mapang-akit na eyes ng Pusa’y idagdag pa,

That’s why nga ang PUSA pag baliktad binasa

At pinagsama … ASUP-PUSA! At sila na!

 

At mula noon ASO’T PUSA na talaga!

Away-bati, love-hate, sa hirap at ginhawa!

Baliktad ng ASO sounds like PUSA rin … OSA!

Joke pa ni Dog, “WE TWO o TUTA-yong dalawa!”

 

Sa nagtatanong bakit ‘di na lang ginaya

Kay Adan na tadyang sa Aso ang pagkuha

Ng kanyang makakasama… well, ang problema —

BUTO SA ASO AY MAHIRAP MONG MAKUHA!

 

Ngek! Subukan at baka kayo madisgrasya!

At saka kung sa Aso, aso rin ang bunga!

At malinaw ‘yan na doon mo makikita —

Unang binigyan ng “free will” ASO pa pala!

 

Ngunit kaya nga lang katulad din ni Eba,

Tinukso ni Pussy ang Hot Dog nating bida!

Kaya mapapansin pag naglakad na sila,

Tila ba kumekendang at nang-iimbita!

 

‘Yun na nga ang nangyari at dun nag-umpisa —

Mga lalaki madaling matukso sila!

Kaya nga mali CATS tawag sa mga boys pa,

Tawag sa boys na DOGS ngayon ay simulan na!

 

Sa nagtatanong kung Cat “nine lives” ba talaga,

Actually TEN pag sila’y bata pa… KIT-TEN s’ya!

Teka, CAT-DOG daw katapat ng ADAN-EBA?

Hmmm…Hot Dog and Pussy? Well, ako’y no comment na!

LONDON SOHO HOTEL
Philstar
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with