^

Entertainment

‘Mahjong Crazy’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star
�Mahjong Crazy�
At kung iniisip n’yong hindi konektado ang eat bulaga sa mahjong ay mali kayo! Sapagkat ‘mahjong’ ibig sabihin ay swallow... O eh di eat! O kaya’y chow na meron dito!

Walang dudang ASIAN ako. CRAZY? Hmmm … medyo!

RICH? Depende sa kung saan at kung sa ano!

Well, Crazy Asian na lang para sigurado!

‘Yung RICH? Sandali lang at pag-iipunan ko!

 

Crazy Rich Asians na movie naman siguro

Eh marami nang nakapanood sa inyo,

‘Yun bang love story nina Nick Young at Rachel Chu,

Pirated napanood ko… kasi poor ako?

 

Ngek! CRAZING APOOR ASIAN ako ang biro ko!

At sana’y Nick YANG at Rachel CHOW bida rito

Nang pag sinangag at kinasal mga ito,

YANG – CHOW nasa wedding invitation! Eksakto!

 

Maraming nagtanong sa eksena sa dulo —

‘Yung mahjong scene at wala silang alam dito,

Kung bakit si Rachel tinapon ang eight bamboo

Na todas naman ni Mother at kanyang puro!

 

Buo nga ‘yung eight sticks sa wall n’ya at kumpleto,

At kasabay ng dramatic na dayalogo —

Kung matupad man pangarap sa anak nito,

Dahil sya’y nagbigay… sabay eight sticks binato!

 

Tila may butas “otso” at sumisimbolo

Sa isang singsing ‘yan ay pakiwari ko,

Tumuloy sa emerald ring sa eroplano…

Halos sinlaki ng pitsa ng madyong bato!

 

Ngunit ‘yung eksena sa madyong sa totoo,

Tumawa man kayo’y tumulo ang luha ko!

You know naman sigurong close to our hearts ito!

Iskul Bukol pa lang school namin ay WANBOL U!

 

At madyong na madyong nga kami ng utol ko!

He, he, he … ESCALERA nga ang apelyido!

Sa sampung taon magulo at nanggugulo!

Kahit hindi grumadweyt may AMBISYON na ‘no!

 

At sa t’wing maiisip natatawa ako

Na nasundan pa ito ng isang TV show

Na madyong na madyong din ang pamagat nito —

TODAS… tumagal din nang sampung taon ito!

 

At alam ba n’yong nung mga panahong ito,

Sa Iskul Bukol at TODAS ’pag break pareho,

Sa isang Channel 13 room nandun lang grupo…

Kung hindi sa pusoy… MAHJONG nagkokonsyerto!

 

Meron pa nga pala nung Kulit Bulilit Show

At si Imee Marcos gamit din ‘yun na kwarto!

Kaya malamang n’yan ay takang-taka ito

Na kwarto n’yay amoy lalaki’t sigarilyo!

 

Korek! Sa madyong konek ang halos lahat show!

At dahil comedians ay CRAZY na rin kuno!

Mga ASIAN kami at dito sumesweldo,

Marami nang kinita… RICH na rin siguro!

vuukle comment

MAHJONG

Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with