^

Entertainment

Tsinelaserye’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star
Tsinelaserye�
In my litter corner of the room — Hawak ko ‘yung tsinelas na naging ‘flying carpet’ ko! ‘

Last June 30, Six piyem, araw ng Sabado,

Intercom sa aming kwarto ay sinagot ko,

Kusinera namin nasa kabilang dulo,

“Nakahanda na ang pagkain!” sabi nito!

 

Syempre naman ako ay ganadong-ganado

Dahil alam kong meron kaming Tapang Wagyu!

May tadyang pa ng baka at kung ano-ano

Mula sa Eat Bulaga na nakulimbat ko!

 

Well, alam n’yo sa show pag araw ng Sabado,

Espeysyal at bongga palagi aming menu!

At pag busy na lahat at nagtratrabaho,

PAGBALOT NG ULAM ang inaatupag ko!

 

Early dinner kumbaga kasi pag Sabado,

Katatapos lang din masahe ng paa ko,

At syempre puno pa ng lotion from leg to toe,

Kaya hanap muna ng slippers Ang Poet N’yo!

 

Aaminin kong kwarto namin ay magulo!

Damit, tsibog, maleta basta, LABO-LABO!

Dahil galing lang kaming Macao three weeks ago,

Napagdiskitahan ko tsinelas pang-kwarto!

 

Ito ba ‘yung tila sa twalya gawa ito,

Kadalasan ay puti at meron pang logo,

Sa mga hotels bigay ito at serbisyo

Op kors dahil personal use tulad sepilyo!

 

Nakupo’t sandamakmak ang aking ganito!

Hindi ko naman ginagamit sa totoo!

Nagkataon lang nakatiwangwang pa ito,

Nasa floor pa’t ‘di pa nililigpit ng wife ko!

 

Dahil sa MGM Cotai kami nagtungo,

Mga slippers nung hotel unang nakita ko,

May letter “M” pa sa ibabaw mga ito,

Sinuot ko na’t gutom na gutom na ako!

 

Sumasayaw pa ako paglabas ng kwarto,

Nauna si Jocas, si Eileen kasunod ko,

Pagbaba ng hagdanan ayun na po ‘kanyo!

DUMULAS SI TSINELAS! Kasama Poet N’yo!

 

Aray ko! Aray ko! At nasisi pa ako!

Sabi ni Jocas, “Daddy, ‘yan kasi pang-kwarto!”

Oo nga naman ako talaga ang loko!

Ngunit wari ko… nangyari’y isang… MILAGRO?

 

Pagkat sa pagdulas pababa’t sa bigat ko,

HINDI sumayad buong likod ko at ulo!

I know naitukod ko ang kanan kong braso …

Pero hawak ko cellphone na HINDI naano!

 

Hindi ko rin maintindihan kung paano!

Kung mare-replay ko lang nangyari nang slowmo,

You mean ‘yung kamay na may cellphone lang sumalo?

Thank you very much HAHAHEL, Guardian Angel ko!

 

Kaya madalas kong sabihing ingat kayo

Palagi sa hagdanan at maging sa banyo!

Naisip ko tuloy “M” sa slippers kung ano —

My Other Angel nasa likod ko… MISIS ko!

 

Eh naroon kasi s’ya nung sumemplang ako!

Ngunit naisip ko rin mga “M” kung ano,

Gawing M-G-M na natin para eksakto —

M-G-M … Mag-ingat Gamitin Madulas ‘to!

vuukle comment

ALPOMBRA

TSINELAS

Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with