‘EAT’S Been 38 Years!’(Thank You For This Wonderful Quest)

The Dabarkads with our president and CEO Tony Tuviera. Ryan Agoncillo was born in 1979, the year Eat, Bulaga started!

Una sa lahat, MALIGAYANG KAARAWAN!

Sa EAT BULAGA sapagkat eksaktong ngayon,

TATLUMPU’T WALONG TAON na nakakaraan,

Nang ito ay unang umuha’t isinilang!

 

July 30, 1979 nag-ugat…

Isang puno ng galak na pasasalamat!

Sa Dakilang Lumikha at sa inyong lahat!

Sa pagpapala’t patuloy na pagtanggap!

 

Sa ilang alaala tayo ay magbalik…

Ilang beses din akong nasuspinding lintik!

Ngunit natutuwa pa imbes na magalit!

“An ounce of suspension is worth a pound of tour!” Ngek!

 

Naturalmente kapag ako’y suspendido,

Ang Poet N’yo ay biglang nagiging viajero!

Kaya katagalan sa aki’y naging tukso —

Mag-absent lang tsismis agad… sa Macao ako!

 

Nung unang taong lilima pa lang ang grupo,

Student Canteen kami pa’y nilalampaso!

Napakaliit pa lang ng aming papremyo!

Jackpot prize na nga namin ay IISANG LIBO!

 

Sa isang bahagi ng napakasimpleng show,

“Kaserola ng Kayamanan” ang titulo,

May apat na kaserola’t ang laman nito —

Tatlong ZERO at syempre nag-iisang UNO!

 

Maraming salamat sa lahat mula sa inyong nagmamahal na Dabarkads! At para sa mga nakatapat namin, ito lang ang masasabi ng Ang Poet N’yo, ‘Wala kayo sa mga lola namin!’

Aayusin lang upang maging isang libo!

At nung minsang tinamaan ang ayos nito,

Napabunghalit itong si Ritchie Kabayo,

“Anak ng p_ _ _ misis, nanalo po kayo!”

Kumpleto pagmumura para lang sa kanto!

Pero walang nasuspinde na kahit sino!

Doon namin naisip na wala lang siguro…

Nakapanood? Ngek! Wala pa kaming tao!

Makalipas ang TATLONG DEKADA at WALO,

Pati kalye’y ginawa na ring entablado!

Marami nang kung ano-ano’t sino-sino,

Little Miss Philippines MISIS na ni Vic Sotto!

Ano nasa dako pa roon at sa dulo?

May nasabi kami nun 38 years ago

“Hangga’t may bata, may ITTT … BULAGA!” Totoo.

Gantonalang — basta you welcome us… de THANK YOU!

Kung tanong n’yo naman kung “sikreto” ay meron,

Well, thank you very much for that wonderful question!

Hmmm… actually it’s just a simple combination —

Of growing up and NOT growing up! Get’s n’yo? Ganon!

Show comments