^

Entertainment

‘Eat’s A Sin Or Eat’s OK?’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star

“If a voice inside your head says, ‘You cannot paint.’

By all means paint, and then the voice will be silent.”

Sabi ng pintor na nagngangalang Vincent,

Korek! Sabi ni Van Gogh never say you can’t!

 

Kung maganda naman at nais ng puso,

Aba’y ituloy mo at ‘wag kang susuko!

Kahit anong bagay ay hindi malabo

Kung malinaw namang ikaw nagtuturo!

 

Lahat ng may kamay maalam gumuhit,

Meron ngang wala… paa’t bibig ang gamit!

Lahat ng may tinig ay makaaawit,

Meron lamang iba na makakasakit!

 

‘Yan ang sinasabing kung gugustuhin mo

Ang kahit ano ay makakamit ito,

Iba-iba nga lang ang resulta nito;

Ang tindi ng pagtatagumpay sa dulo!

 

Ngayong Van Gogh, este Bagong Taong ito,

Magandang simula ng ‘sang bago sa ‘yo,

Ako? Ang pinaplano ng Ang Poet N’yo?

Magpapayat at magbawas ng timbang ko!

 

Sino naman nagsabing ART ang problema?

Well, pwede… pero baka sa ART-hritis pa?!

Malakas kumai’t malaki ang gana,

At lumalaki na rin ang bewang aba!

 

Bagong hamon, ops challenge ito’t hindi HAM!

Hindi Media Noche pinag-uusapan,

Walang medya-medya kundi todo laban,

Kailangan sa akin ay pagpawisan!

 

Ano ba talaga ang aking susundin?

Bawasan kanin o bawasan ang KAIN?!

Sa puntong ito ayaw ko munang isipin,

Baka exercise sa EXCESS SIZE oks na rin!

 

Hindi naman masisi itong aming show,

Every day kasama’t may EAT title nito!

At mahina na raw ang PANUNAW ng tao

Kapag tumatanda… ngek! PA’NO NOW ito?!

 

Iniisip na ngang maging vegetarian,

At pag nagutom pa ay itulog na lang!

Actually, I’m one pero katunog lamang,

Kama ‘ko malakas… I’m a BED-EAT-arian!

 

Ngek! Lalo pag may T.V., MENU-minuto!

Noong “Ba-BABY-Bo-Bu” pa nga lang tayo,

‘Di ba subo agad ay “Da-DEDE-Do-Du?”

‘Yay kung may milk si mommy “Sa-Se-Si-SOSU!”

 

Balikan nga nating kung ano’ng nangyari —

The First Big Event of our First Mom and Daddy

Was EATING! E-A-T! May meaning pa ire —

E-A-T… The three letters are for Eve, Adam, Tree!

 

Ngek! Kaya ano ngayon ating gagawin?

We cannot live pala talaga without a sin!

Eh pati nga isa sa first utol natin

Eh pinangalan pa rin sa eating — CAIN!

 

Pa’no readers New Year na tayo nakatuntong,

‘Yung tungkol kay Van Gogh eh saka na lamang ‘yon

At tunog ng Van Gogh para na ngang bagoong!

Ngek! Ayan, Ang Poet N’yo tuloy ay ginutom!

 

Maligayang Paksiw! Manigong Bagong Tahong!

‘Yan naman nangyayari kapag Christmas season,

At ano pa ba mangyayari sa year ngayon?

Sheep, Ram or Goat… KAMBING! Eh puro NGUYA nga ‘yun!

 

Ano ba dapat sa table, konti lang o ROLL!?

Total control ba o sige hanggang maging full?

Patingin-tingin lang o patikim-tikim ‘tol?

Sexy or SIZY? Small o Extra Large na Double?

 

Ano ba, pagkain ba’y isang kasalanan?

Ang alam ko lang ay ‘yung sobrang katakawan,

GLUTTONY o GUTOM ME… mamimili ka lang,

Habang namimili… Mommy, ano ba ulam?

vuukle comment

ANG POET N

ANO

BAGONG TAONG

BRVBAR

E-A-T

EXTRA LARGE

NGEK

VAN GOGH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with