‘Nipple Power’
ME, STARZAN - Joey de Leon (The Philippine Star) - December 14, 2014 - 12:00am

Yang “Ice Bucket Challenge” ay pinaglumaan na

Sapagkat may mas bago na ngayong kampanya

At hindi pa delikado na mapulmonya,

May kaugnayan pa sa “paglaya” talaga.

 

Walang yelo-yelo… siguro Belo-Belo?

Ngek! Kasi tungkol sa “BOBITA” ng girls ito!

Ops, hindi tungkol sa UTAK at pagkabobo

Kundi UTONG! Boobies ang ibig sabihin ko!

 

FREE THE NIPPLE! Ang utong ay palayain na!

‘Yan ang sigaw ngayon kahit na si Madonna!

Ang tanong ko’y umabot kaya hanggang EDSA?

Magkaron kaya ng NIPPLE POWER kumbaga?

 

Sumunod kaya dito mga Pilipina?

Alam n’yo naman tayong mga gaya-gaya!

Sinimulan kasi ito sa Amerika

At nagpasimuno pa ay mga artista!

 

Pagkakapantay-pantay ang habol ba nila,

Bakit ba raw kasi lalaki ay uubra

Na maghubad at utong nila’y ipakita,

Samantalang sa babae’y binabawal s’ya?!

 

Bale ganon na nga — nais nila’y HUSTISYA!

Tila ba — pantay-pantay sa pagpapakita!

Kung kaya, “Free The Nipple!” para sa kanila,

Pero teka… ‘yan bang inyo’y PANTAY-PANTAY pa?!

 

Ngek! Nagbibiro lang Gabriela Ang Poet N’yo,

Ano ba sa tingin n’yo? Susuporta ba kayo?

Mga kalalakihan ako’y sigurado

Na walang sasaliwa at kokontra dito!

 

Maging sa Kanluran nama’y may bumabara,

Para sa mga bata masyadong “sexy” ba

Na ang kababaihan din ay magpakita!

At sa utong ng lalaki tayo’y sanay na.

 

Ngunit ang lingkod n’yo sa usapang seryo,

OKS lang ang UTS sa akin! Parang ART lang ito,

Waring part lang ng moda o fashion siguro,

‘Yun bang sa Aprika… mga babaeng tribo!

 

Malamang may sumisigaw sa Ang Poet N’yo

Ng, “Gunggong! Lokohin mo ang lelang mong kalbo!”

He, he, he… eh ‘yan lang naman ay opinyon ko

At ‘yan naman talaga ay nasa sa inyo.

 

Ngunit sa’n kaya umabot kampanyang ito?

Tao kasi’y mammalshort for MAMMALISYOSO!

But in Fairview, este, in fairness, nakita ko,

U__ng, este itong si Madonna… hmmm… yahooo!

 

Eh 56 years old na pero tingnan ninyo!

Ayunnn! Gawing batas na lang dito siguro —

Na “magpalaya ng kanilang mga suso” —

SISENTA- PATAAS edad ng mga ito!

 

Alam ko, alam ko… marami rin sa inyo

Ang sa mungkahi ko ay mag-aalburoto,

Kasi naman nung nasa Nice naalala ko,

Nagsa-sun bathing sa beach age malalaman mo.

 

Pag nagtanggal ng bra ang mga forty below,

Tiyak nakadapa at wala mukha nito,

But mga matrona, este Madonna you know,

Tumitihaya at tumitiwangwang ito!

 

Well, FREE THE NIPPLE — depende na lang sa tao,

At malamang ito la’y sa mga modelo,

Basta ba hindi lang nakaka-iskandalo

At basta ba ‘yung “FREE” ang mahalaga dito!

ALAM ANG POET N BRVBAR FREE THE NIPPLE GABRIELA ANG POET N ICE BUCKET CHALLENGE LANG
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with