^

Dr. Love

‘Di na umibig nang mabiyuda

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

NASA 24 anyos lang ako nang yumao ang mahal kong asawa na si Boy. Anim na buwan pa lang kaming kasal at wala pang anak nang mawala siya. First boyfriend ko siya at mahal na mahal ko kaya naisumpa ko na hindi na ako mag-aasawa.

Ngayon ay 54 anyos na ako at isang em-pleyada sa bangko. Nagsosolo ako sa buhay sa loob nang mahabang panahon na ako ay naging single muli. Hindi sa ayaw ko sa lalaki pero wala pa akong ibang natatagpuang mahal ko.

Pero nagsisimula ko nang madama ang hirap nang nag-iisa. Nililigawan ako ng bank manager namin na biyudo at 57 anyos. Mahal ko lang siya as a friend, pero parang gusto ko nang tanggapin siya for companionship.

Naging best of friends naman kami at magkasundo sa maraming bagay. 

Inuudyukan nga kami ng mga kasama namin na magpakasal ngunit ang sinasabi ko ay friends lang kami.

Mabuti naman siyang tao at naniniwala akong magiging mabuti siyang partner. 

Wala talaga akong nadaramang kilig factor sa kanya. I only consider him as a good friend. Tama bang tanggapin ko siya?

Merlinda

Dear Merlinda,

Kung medyo bata ka pa, hindi ko irerekomenda na makisama ka sa taong hindi mo mahal. Ngunit sa edad ninyong dalawa, mature na ang pananaw ninyo kapwa sa buhay at ang pagkakaibigan ninyo ang maaaring magpatibay sa inyong relasyon.

Tama ka. Compa-nionship is important dahil iyan mismo ang winika ng Diyos nang lalangin ang lalaki: it isn’t good for a man to be alone.

I know na sa pagsasama ninyong dalawa na kapwa mature na ang isip, made-develop din at uusbong ang pagmamahalan.

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with