^

Dr. Love

Ulirang kapatid

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hindi ako agad nakapag-asawa dahil inako ko ang pagpapaaral sa bunso kong kapatid. Dalawa na lang kami dahil maagang pumanaw ang aming mga magulang sa isang malalang aksidente. 

Hindi kaila sa akin ang matagal na pagtitiis ng boyfriend ko, dahil talagang nirespeto niya ang pasiya kong kalingain muna ang kaisa-isa kong kapatid hangang matapos ang computer engineering course. 

Mataas na ang katungkulan ko sa isang malaki at kilalang bangko, kaya kumikita ako ng higit para sa aking pangangailangan. Maganda rin nang trabaho ng boyfriend ko kaya masasabing maalwan ang buhay namin. Kaya naman naidaos ng maganda ang aming kasal, na ikatuwa niya ng sobra.

Nagkatrabaho na ang kapatid ko, ang buong akala ko ay magiging stable na rin siya, pero nagkamali ako.

Dahil ilang buwan lang ang nag-resign na. Dahil ayaw ko siyang magmukhang kawawa, sinagot ko ang lahat ng pangangailangan niya. Mula sa inuupahang apartment, sasakyan, grocery at allowance niya. Bagay na ikinagagalit ng asawa ko, kahit galing naman lahat sa pera ko.

  Gusto niyang hayaan kong maghirap ang kapatid ko para matutong magbanat ng buto. 

Tama ba siya?

Shane

Dear Shane,

Sang-ayon ako sa prinsipyo ng iyong asawa. Nakatapos ng magandang kurso ang kapatid mo, kaya walang dahilan para umasa siya sa’yo. 

Ang mabuti pa ay kausapin mo ang kapatid mo at ipaliwanag na dapat siyang magtrabaho para hindi masayang ang pinag-aralan niya. 

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with